Kanina, papunta ako ng mall.
Sa intersection, kakanan ako, but since naka red ang stop light, tigil ako.
Just across the vehicle, may mamang nakatayo sa kanan ko. Nakatayo lang siya, naka brown, maayos ang suot. Nakatitig lang siya as in, i know kasi napatingin ako sa kanya. Eh napansin ko, ang tagal niya na nakatingin, nung tumingin uli ako, palakad lakad siya at biglang may kinausap sa telepono, sabi ko:
"Naku mukhang kinakabahan ako kasi hindi siya mapakali and he was just staring"
Tumayo uli siya sa may right ko, napatingin uli ako at papunta na siya sa kotse, alam mo yung pasugod na tayo? Buti, may dumaan na motor in between us, na delay siya ng unti, eh sakto go na yung stop light, nung umandar nako, binilisan ko, nakita ko sa side mirror, hinahabol niya yung sasakyan!!! OMG.
Nagmadali ako, binilisan ko yung pag maneho.
"Shet shet ayan na sya"
After 50 meter run niya, tumigil siya, siguro napagod. Sa isip isip ko, baka sumakay siya ng jeep o motor kasi may kausap siya kanina, baka sundan ako. Nagiisip na ako kung saan dadaan para ligawin siya. Or, uuwi ba ako kaso baka masundan ako kung saan ako nakatira.
Ang gulo ng isip ko pero dapat maging alert dahil nagmamaneho ako. My foot was shaking sa takot. Ayan na eh, ang lapit na niya. Eh kung na trapik pa ako, naabutan niya na ako.= /
Prior to what happened, pag dating ko sa kanto namin kanina bago ako pumunta ng mall, tinabi ko yung sasakyan para isara uli mga pinto, double check lang kung nakasara lahat. and I don't know why i did that. Eh bago naman ako umalis ng bahay chineck ko na yun.
Sign? Premonition? COULD BE. Bakit ko naman biglang ichcheck uli eh chneck ko na, di ba? Eh pano kung hindi ko chneck uli tas meron palang pinto na hindi naka lapat ng maayos eh di nabuksan niya na yun.
OH GOD, thank you at walang nangyari sa akin. Magpapasko pa naman at paniguardo madami diyang masasamang loob dahil desperado na.
Always pray and ask for guidance each and everyday. It works. HAY, TRAUMATIC ;(
No comments:
Post a Comment