Wednesday, December 28, 2011

Paniniwala.

At dahil sinasabi na dapat daw magpagupit kapag ka bagong taon, nagpagupit ako kahapon.

Di, joke lang, magulo lang talaga buhok ko. Hehe. Well sabi nga nila, totoo daw yung magpapagupit para maalis yung bad memories and negative vibes mo in the past. New look, new you, something like that.

Hindi ako talaga naniniwala sa ganun, ang tanging sinusunod ko lang before yung tatalon pag birthday (depende kung ilang taon ka na) para tumangkad, feeling ko naman nakatulong. Lol. Pero wala din naman mawawala kung susunod tayo sa mga myths and superstitions, diba? So ano ano nga ba yung mga ginagawa nating mga Pilipino?

1. HAIRCUT. Yun nga, to remove negative vibes and bad memories that the year has brought you. Aba, eh kung ganito ka naman kaganda pag nagpagupit, everyday ako nasa salon. Hahaha



2. FIRE CRACKERS. Kaya tayo nagpapaputok, this is to drive the evil spirit away from our home. This is also to symbolize our wish to have a bountiful and blessed year ahead. Dati, nagpapaputok kami, pero hindi na ngayon, hindi ko alam kung ganun na ba ako katanda at sensitive na ako sa ingay. Okay na din, seeing those people na nasa TV na wala pa man din New Year eh isinusugod na sa ospital dahil sa kakulitan, talagang hindi na maganda lalo na sa mga bata. Maari naman tayong magingay sa iba't ibang paraan na hindi nasasaktan, halimbawa:

a) Magsigawan kayo sa bahay habang naguusap: "KAKAIN NAAAA TAYOOOO", Ganun.;
b) Ipalakpak niyo yung dalawang kaserola niyo or combination of kaserola and sandok na bakal;
c) Gumamit ng torotot o yung uso ngayon na parang bomba ng bike na pula pero napaka ingay;
d) Busina ng kotse o ipa alarm mo ng sadya;
e) Radyo ng malakas, i-tune in niyo sa 91.5, tignan natin kung hindi kayo mabingi sa "tugstugan" nila, yun nga lang, Pilita Corales/ Aegis/ Freddie Aguilar/ Imelda Papin style, may time kasi na luma mga kanta. Hehe.
f) Palakpak, kaso wala nga lang makakarinig sayo, para kang OP kasi mas maingay yung nasa paligid mo;
g) Pwede din namang mag videoke, siguraduhin lang na hindi "My Way" ang kakantahin mo kung ayaw mo mabaril, tandaan mo naghahanda ka pa lang sa New Year.

 

3. POLKA DOTS. Polka dots symbolizes money or shape of coins. So maganda daw na magsuot tayo neto para lumapit sa atin ang yaman/ pera, and to be proseperous. Well, kung pera na lang din naman, bakit kaya hindi na lang rectangle shapes ang suotin, meaning, bills, mas malaki ang value diba? Hehe. Joke lang



4. OPEN DOOR/ WINDOWS. It is also important that you open your doors and windows when 12MN strikes, para daw pumasok ang swerte, graces, and to symbolize that you welcome the NEW year. Kaya lang, hindi mo na mawwelcome ang new year kung puro usok ang papasok sa bahay niyo, sasabihin mo palang yung "HAPPY...." eh nahimatay ka na kasi nalanghap mo na yung usok.



5. FRUITS. Dapat daw may 12 fruits sa table that symbolizes the 12 months, this means prosperity for 12 months. Hindi ba pwedeng 12 vegetables nalang? Mahal na bilihin eh. Kunwari 1 pc. Kalamansi, 1 pc. Kamatis, 1 pc. Bawang, etc.



6. FOOD. And last but not the least, we should put as much food hangga't kaya ng ating lamesa, so that we will always have food on our table the whole year round.  Eh sa dami naman ng gagastusin mo diyan, eh talagang wala ka ng food on your table dahil naubos na pera mo sa inihanda mo in one day. Sakin lang, kung maghahain lang din, ibigay mo nalang sa mga nangangailangan, at least hati hati kayo, madaming nakinabang. Kasi panigurado, hindi mauubos yan.



Filipino traditions are interesting and fun. But before doing those things, we should not forget to thank the Lord first and foremost because He blessed us with another year. Hindi lang naman yung year na ibinigay sa atin mismo, siyempre kasama nadin sa pasasalamat sa mga bagay, tao, at blessings na ibinigay niya sa atin:)

No comments:

Post a Comment