Tuesday, December 27, 2011

Busy Busyhan

Bakit ganun, pag madami tayong ginagawa, naiinis tayo?
Pero bakit kapag wala naman tayong ginagawa, naiinis din tayo kasi wala namang magawa?

Yan ang pakiramdam ko ngayong bakasyon, Nung una natutuwa ako kasi makakapahinga naman sandali sa trabaho, sa dami ng nangyari, talagang kailangan. Ngayon habang tumatagal parang hindi na ako nasisiyahan, nakakainip kasi, hindi ko naman mabulabog yung mga kaibigan ko dahil may trabaho sila. Eh nakalikot ko na ata at naayos lahat ng pwedeng ayusin dito sa bahay maski yung mga bagay na hindi kailangan ayusin, ginulo ko na para may aayusin. Hay.

Isa pang problema, para namang ang dami kong pera para mag lamyerda ng mag lamyerda. As mentioned, wala din naman nga ako kasama dahil nasa trabaho sila.

So anyway, nag bbusy busyhan nalang ako. Pag wala kasi akong ginagawa, ang dami kong naiisip, kadalasan, mga problema sa buhay na hindi ko naman pinapansin dati, ngayon lang siya lumabas sa utak ko kasi hindi siya makasingit dati dahil may ginagawa ako.

Ganun naman tayo diba, alam naman na nating may mga problema tayo pero para hindi nalang maapektuhan, eh dinistract nalang natin ang ating mga sarili. Pero kung iisipin mo din:  

problema nga ba yun talaga na binabalewala natin o gumagawa lang tayo ng issue para maging busy ang utak?

Opinyon ko lang ah, minsan isinasantabi nalang natin ang isang bagay para wala nalang argumento o para hindi na lang mas maging kumplikado.

Ako, personally, nageenjoy ako magisip ng magisip regardless kung ginagawan ko lang ng issue or sadyang problema siya, para lang kung kailangan na talaga siya problemahin, hindi na ako nabibigla sa pagdating niya. Hehe. Yun nga lang, napupuyat ako this past few days.  

Just to summarize kung ano yung mga naiisip ko, kasi masyado namang obvious kung ano at sino mga involved sa isip ko, MY FUTURE. 

FUTURE?  Ang aga naman ata. Well, next year I'll be turning 25 y.o. Hindi man halata pero oo. Joke. Ano ba tong mga "inclusive" sa future?

1.  Work. Ngayon na iba na ang position ko sa current work, will I be able to enjoy it and be contented which I will consider to stay with the company for many many more years?

2. Own Family. Anytime this year kaya maiisip ko na kung kailan ko gusto magpakasal at magkaroon ng sarili kong pamilya? Kanino? Masusunod kaya yung timeline ko na dapat at the age of 27 eh kasal na ako sa taong nakalaan sa akin?

3. Savings. May mga gusto talaga akong bilhin for myself (refer to my post about savings). Yun eh kung mapapagipunan ko kaagad. I have this "hobby" of computing, yun eh kung madidisiplina ko sarili ko. Kaya kung gugustuhin.  

4. Family. Since karamihan naman alam na I did  not grew up with a complete family, we're here in Cainta, my father is in Laguna. So what if, what if lang, tumanda na sila, kakayanin ko kayang magpa back and forth from Cainta to Laguna and vice versa para maalagaan sila parehas? Well hindi naman actually issue yun nor problema dahil gagawin ko lahat para maging posible at dahil yun ang gusto ko, papaano ko mabibigay yung atensyon na walang nagkakalamangan, anyway, kaya ko yun! naisip ko lang paano? Hehehe. Uhm, So nananawagan ako sa magiging future family ko, HELP? Haha. 

Yun lang naman. ikot ikot lang utak ko sa ganyan haha. :)) Bye!
 

No comments:

Post a Comment