Saturday, December 31, 2011

RESOLUTION.

Ilang oras na lang 2012 na. Gusto ko mag recall ng mga nangyari sa akin sa loob ng 365 days, kaso hindi ko maalala, o baka sadyang kinalimutan ko o may amnesia nga lang talaga ako? haha.

We can also say that this year has been very challenging in all aspect. Aside sa challenging, may masaya, may malungkot, may iniyakan, may tinawanan, may kinatakutan, may pinakitaan ng tapang, lahat lahat ng klaseng emosyon naramdaman na natin, depende sa sitwasyon.

Karamihan sa mga nababasa ko, they want to forget all the BAD memories that they've encountered this year and start with a new one this 2012--- and I agree to that. Makakasira lang kasi sa mga pinaplano mo for this year and we cannot afford to make the same mistakes again or create a new mistake, if I may say.

So ano nga ba New Year's Resolution ko? Na hopefully magagawa ko. Kasi ugali nating gumawa ng ganito, hindi naman natin sinusunod, so what's the point?

Dapat pag gagawa tayo ng promise, we will do it, no but's, no if's. Sabi nga, kung gusto madaming paraan, kung ayaw, madaming dahilan. Agree!

Going back, ano ba yung mga common resolution na wini-wish natin regardless kung nagagawa or hindi?


1. MAKE WISER DECISIONS. Pag naiipit na kasi tayo minsan, no matter how long we planned something pag nandun ka na sa mismong sitwasyon, naiiba eh. Dapat hindi tayo magpaapekto sa mga tao kung talagang seryoso tayo. Well, if that would make us a better person, why not decide on our own? Bakit kailangan isa alang alang ang iisipin ng iba parati, di ba? Remember, PARA ITO SA SARILI and not to please other people.

2. WORK HARD.  We all have dreams to get rich, you want this, and you want that, receive a compliment for our performance, but we're not doing any effort to get that. Hindi naman magmimilagro na lang bigla ang isang bagay at ibibigay sa atin na hindi man lang pinagpaguran, swerte naman natin. Sabi nga, no pain, no gain.

3. MAGPAPAYAT. Kung hindi tama ang objective kaya nagpapapayat, I think this is not a good idea. May napanood ako before na movie ni Toni Gonzaga and Sam Milby, "My Big Love", Obese type na si Sam Milby and Toni G. is a gym instructor. Tinanong ni Toni kung bakit niya muna gusto magpapayat, sabi ni Sam:

a. Para mapansin siya nung gusto niyang girl (Kristine Hermosa)
b. Para makonsensya yung type/ex niya at maisip na balikan siya uli

Mali daw yun, kasi para lang pala sa ibang tao kaya ka nagpapapayat. Dapat para sa sarili mo, tipong:

a. Ayaw mo na hingalin
b. Gusto mo na maabot yung paa mo pag nagbend ka
c. You want to look good para maging confident

 Mga ganun ba.

4. BE STRONGER. Ako personally, naniniwala akong matapang tayong lahat, nagiging weak lang tayo or emotional pag sobra na or lumagpas na sa kakayahan nating yung mga nangyayari. At hindi dahil sa mahina tayo, kung di dahil sa hindi na natin kontrolado yung mga bagay. Sabi nga, "lahat ng sobra ay masama".

Mas applicable siguro kung sa mga ganitong scenario na hindi na natin alam ang gagawin, "ABILITY TO UNDERSTAND". Kung meron ka kasi nito, hindi mo na kkwestyunin ang mga nangyayari sa yo and you'll just do what you think is right and will just keep on moving. 

5. LOVE. Love is everywhere. You must just know where to look. Kung saan saan kasi tayo nakatingin, hindi natin napapansin yung mga taong nandiyan na mahal tayo, our family, our friends, classmates, officemates. We always associate love with having a partner, kung saan saan natin siya hinahanap, kaya naddepress tayo if we don't have one. Love the people around you first, dahil isa diyan maaring andun yung hinahanap nating so-called, PARTNER.

So yun. Isa, dalawa o tatlo diyan maaring resolution ko din, at meron din namang wala diyan, yan lang yung naisip kong common sa atin.

Yun nga lang, mas naniniwala nga lang ako sa ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS. Kaya kung may gusto tayo mangyari, gawan natin ng paraan, dahil hindi yan kusang lalapit sa atin:)




No comments:

Post a Comment