It's been more than 2 years since we graduated from college. Naka isang reunion na kami before sa Trinoma, and now, another reunion was organized by our class president at natuloy naman siya nung Saturday.
Kinakabahan ako nung papunta pa lang, ewan ko kung bakit, wala naman akong tinataguan or anything, sadyang kinakabahan lang ako sa pwede kong makita/ makasalubong o sa mangyayari.
My initial reaction when I arrived at the venue? SURPRISED! Nagulat ako hindi dahil sa madaming tao, kundi nagulat ako dahil anim lang kami sa lamesa. Kung hindi pa kami dumating, apat lang sila. Professor pa namin yung isa, so tatlo? Wow Reunion nga. "Bakit ganon", sabi ko. May hidwaan bang nagaganap at hindi dumating ang ibang tao? O kung may hidwaan man, hindi na ba kayang tignan ang mga ito at mas piniling hindi nalang pumunta? Malayo na ba ang EspaƱa bigla?
Sabi nga ni sir Bong, ang aming Professor sa Labor, "KAHIT SAAN NYO PA PLANUHIN ANG REUNION, PUPUNTA AT PUPUNTA YAN KAHIT SAN PA YAN KUNG TALAGANG GUSTO"
Nakakalungkot lang na parang bumabaliktad na ang pagkakakilala ko ngayon sa samahan na meroon kami noon. Inggit nga yung iba sa klase namin dahil "SOLID" daw kami. Kung baga sa Science, LIQUID na kami ngayon, na dissolve, natunaw ang samahan.
May nga gusto akong makita nung araw na yun pero hindi dumating, sayang. No hard feelings naman siyempre, maaring may mga lakad din silang mas importante. Nakaka dissapoint lang nung araw na yun. But still, na enjoy ko pa din yung small group, may mga sumunod naman nung kinahapunan,kaya medyo dumami nadin naman.
Nung pauwi, nakasama ko pa sa gateway tumabay yung mga ka close ko sa klase. Nagmeryenda at timezone, just like the old days. Nakakamiss sobra! Sana next time mas madami kami:)
Try again next time na pagplan? Hmmm. We'll see.
No comments:
Post a Comment