Tuesday, December 20, 2011

Sendong.

I don't know exactly if I should be wishing for anything right now this Christmas after seeing what happened in Cagayan De Oro, Dumaguete, Iligan, and Bukidnon.

I will never forget those places that were mentioned. Mama and I use to, well until now, we go to places to explore. And yan yung mga lugar na hindi namin makakalimutan sa sobrang ganda, tahimik, one of a kind, peaceful. Places where you want to stay long kasi parang nakakalimutan mo lahat pag nakita mo yung mga lugar na yan. Na ngayon, sira na dahil sa bagyo.

Well we cannot and we should not blame God for allowing this to happen. It's natural. Dati naman, walang ganito, in my opinion, tao din naman may kagagawan, kung baga, binabawian na tayo sa lahat ng paninira natin sa kalikasan. And now, He wants us to feel the consequences.

Ilan pa kayang ganito ang kailangang mangyare para matauhan tayo noh? Ito yung mga iilang senaryo kong naranasan na kasiraan sa kalikasan:

1. Like just this morning, I saw a group of men na nagyoyosi non stop. Hala, tapon lang ng tapon pag ubos na. Eh kung may kakayahan lang ako ipalunok sa kanila yung tira nilang yosi ginawa ko na. Hindi ko maintindihan minsan kung may krisis ba sa basurahan ang lugar na kinatatayuan nila o sadyang manhid lang sila at hindi nila naiisip na kalat nanaman yan.

2. Dati, nung nagjjogging pa ako sa marikina, kuno. Pauwi na ako nun at may mag jowang nakasakay ko sa jeep. Kain sila mcdo, saya saya nila, tapos biglang tapon nung large plastic bag ng mcdo sa bintana, then patay malisya lang sila, kiligan moments lang. Eh naiinis ako kasi lalo na sensitive na ako sa nagkakalat gawa nga na isa ako sa biktima nung Ondoy. Bago ako bumaba, sabi ko: "Next time pwede sa basurahan kayo magtapon?". Nag "opo" naman sila na may weird na tingin, siguro nakita nila sa akin si Inang bayan. Haha. Eh nako wala akong pakialam, minsan kailangan may nagpapaalala sa kanila para matauhan. 

3. Yung mga bumibili ng candy sa jeep sabay tapon. Ewan ko lang ah, pero kasya naman yun balat ng candy sa bulsa, mano ba namang ipasok muna natin dun at itapon nalang pag may basurahan na? Kailangan nag mamala confetting effect pa tayo sa kalsada dahil lang sa walang basurahan na available.

Gaano man kaliit ang basura, pag dumami, lalaki din at makakapinsala na. Kaya please. Be sensitive. 


"Dakilang lahi, nasayo'y tangi, pag ibig ko inang bayan, isinumpa ko o Pilipino, dadalhin ang sugat ng yong nakaraaaan".

Shet. Nakakabaliw. Walang magawa. :/

No comments:

Post a Comment