Thursday, December 1, 2011

Bonifacio Day.

Ewan ko. Pero ang paniniwala ko pag may holiday is a time to rest para sa mga nagbabanat ng buto, pero more on naawa din sa mga taong no work no pay, kasi siyempre, ano nga naman ipapakain nila sa pamilya nila. Kaya minsan aborido ako kapag OA mag celebrate mga tao pag walang pasok eh. Wala lang.

So Tuesday night, natulog ako sa apartment namin sa QC kasama si Mama, wala namang pasok eh, sinamahan ko na.

I find my own version of holiday very fulfilling, to make the long story short, yung katulong ng kapitbahay namin pinalayas and nirefer ni Mama sa tita ko sa QC. Nag apply sila kahapon sa tita ko kasama yung anak niyang 6y.o na napalapit na din sa amin kasi every morning na sa amin yun, na tumutulong maglinis ng bakuran, in fairness. After mag apply, kailangan na nila umuwi sa kapatid nya sa Manila, nag tricycle kami pa SM north, inikot sila sandali at nilibre ko sa carousel yung bata. Pasyal unti tapos MRT na.

Ang saya nung bata. Lahat bago sa kanya, ultimo fountain ngayon lang siya nakakita, at si Santa hindi niya kilala, lumaki kasing kaharap niya eh walis tambo at dustpan mula nung pinanganak.

Sana nga totoo si Santa, para naman ngayong kilala na niya, baka isa siya sa mapalad na bata na tututparin ang wish niyang may malipatan na trabaho nanay niya at makaranas ng maganda gandang buhay. Ni hindi pa nga nabibinyagan yun eh.

Ang sa akin lang, oo kumikita tayo at may karapatan tayong gastusin to dahil pinagpaguran natin ito, pero hindi naman masamang tumulong at bahagian natin sila nung blessings natin, try lang natin, masarap sa pakiramdam:)

No comments:

Post a Comment