Kung meroon mang pinaka importante na tao sa buhay natin next to God, yun ay ang magulang natin, well sila naman dapat, walang pero, walang kasi.
I'm not very vocal about my feelings about parents, but something triggered me to touch this subject.
Minsan tingin ng iba sa sarili nila, na porket malaki na sila, kaya na nilang mag isa.
Ayaw nilang pinakekelaman sila. Masyado ng mataas na akala mo ang layo na ng narating.
Minsan, may mali din naman mga magulang natin.
Na sa dami ng factors, hindi na natin kailangan ienumerate.
Minsan naiinis tayo.
Nagtatanim ng sama ng loob for whatever reason, pero ganun pa man, bilang anak, kahit sukdulan pa ang galit natin sa magulang natin, wala tayong karapatang pagsalitaan sila ng masama. Hindi pagsasabi ng totoo yun kundi pambabastos. Pwede naman tayong magkontrol ng ating nararamdaman, manahimik nalang. O di kaya'y makipag one-on-one ka ng makausap mo ng maayos.
Hindi din dahilan na hindi maganda ang nakaraan natin kaya ganito tayo ngayon, choice na natin yun kung lalaki ba tayong isang mabuting tao o masamang tao.
Minsan ginagamit natin ang ibang tao para hindi mapunta satin ang sisi sa miserable nating buhay.
Kadalasan, nagtuturo tayo ng maaring pagbintangan para maging malinis pa din ang imahe natin lalo na sa mga taong nakapaligid sa atin. Hinahanapan natin ng butas ang iba para makatakas sa kasalanang tayo naman ang gumawa at nagsimula.
I think is is very unfair. Nakakaawa ang mga magulang natin pag ganito tayo sakanila. Ilang taon tayong pinalaki, pinagsilbihan, binigyan ng magandang buhay, at ilang tao silang sumusunod sa gusto natin or at least tryng their best to please us, tapos isang beses lang na hindi tayo masunod, galit na? maktol? Dabog?
Unfair. Tandaan natin na hindi lang sila basta magulang, kundi tumatandang tao na din sila. mano ba namang tayo naman ang magsilbi sa kanila? o kung hindi man, pasayahin lang natin sila sa kahit anong paraan? Hindi sa habang panahon ay nandito sila. Kailan pa tayo babawi? Pag wala na sila? Napapagod na din sila maging magulang pero hindi pwede magpahinga. Pagaanin lang natin loob nila okay na yun.
Sana, sa mga taong nakakarelate, maging eye opener to. Gusto ko nga sabihin sa nagtulak saking magsulat nito, siguro nga kailangan mawala muna ang mga tao sa paligid mo para marealize mo ang lahat. Mahirap kasi yung nakaasa sayo ang isang tao, hindi natatakot dahil alam mong sasalo sayo. Sana hindi dumating ang panahon na huli na ang lahat para sayo at tanging konsensya mo nalang ang bubulabog sayo.
Just saying...
No comments:
Post a Comment