Ngayon ngayon lang, nanunuod ako ng lumang pelikula ni Aga Mulach and Aiko Melendez, title? "May Minamahal".
Si Aga, breadwinner and may kaya yung pamilya nila. He has 2 sisters and retired na yung mother niya so lahat nakaasa sa kanya, siya nagaasikaso, siya ang nagddecide sa lahat kaya wala na siyang time sa sarili, laging puro para sa ibang tao.
Kilala si Aga as pihikan sa babae, pero nung nakilala niya si Aiko (a canteen staff na hindi masyado well off), nahulog loob niya and it changed his life. Naging masaya siya and na feel niya naman this time na may nagmamahal din sa kanya at may nagaalaga.
Ayaw nung family kay Aiko, ang sabi pa nga nung nanay ni Aga: "Ibang iba na ang mga babae ngayon, sila na ang nanliligaw sa lalaki"
(END OF STORY)
Totoo kaya ang sinabi nung nanay sa pelikula, na ang babae na ang nanliligaw ngayon sa lalaki? Or if not, may masama ba kung babaguhin ng kaunti ang nakagisnan na natin na imaintain ang pagiging dalagang Pilipina?
Ano ba definition ng "Dalagang Pilipina"?
1. Mahinhin
2. Pakipot- yung hindi basta basta um-oo kahit kanino
3. Nagpapaligaw sa bahay para itest ang sincerity nung lalaki
4. Pigil sa damdamin na kahit na mahal mo na yung tao hangga't di mo pa napapatunayan, tikom ang bibig
Pero ang tanong, considering na ganoon nga yung mga sinauna, eh paano kung may gusto kayo sa isa't isa pero torpe naman yung lalaki? Meaning, hindi gumagawa ng move, hanggang tingin lang. So mauudlot yung pagmamahalan niyo dahil walang kikilos? Di natin alam, maaring mahiyain lang yung lalaki kasi siguro first time, or pwede din namang iba lang ang paraan niya para magpakita ng nararamdaman, ewan.
May mga nabasa din naman ako at based sa mga kwento ng kaibigan, etc, na hindi maganda na babae ang gumagawa ng first move, para naman daw kasing pinapababa mo sarili mo na ikaw pa ang manunuyo sa lalaki para lang magustuhan ka o magkaroon kayo ng relasyon. Or na ikaw parati ang naghahabol ngayong nasa relasyon na kayo.
Sa opinyon ko, lahat siguro ng babaeng nasa tamang edad ay naranasan ng pagsilbihan ng lalaki, ang nagiging problema lang minsan, nawawala na yung pag eeffort nila pag nakuha na nila yung babae in whatsoever way. BAKIT? Yun ang tanong.
Doon lumalabas ang problema, nasasanay kang "pinapamper", pag nawala, wala ka ding makuhang sagot, so hinahayaan mo na lang, iniisip natin na,
1. "Ah, baka ganito talaga siya"
2. "Mahal ko siya eh, so dapat tanggapin ko kung ano siya"
3. "Lalaki lang ang problema pag pinagtalunan namin ito, kaya tatahimik na lang ako"
Nagkakaroon na ng "LIHIM" between the two of you kasi sa kagustuhan mong hindi kayo magaway at walang argumento, nananahimik ka nalang. Mali eh. From there, hindi na kayo nagiging honest sa isa't isa, hanggang sa dumating yung time na mapagod na lang ang isa sa inyo. RELATIONSHIP ENDS.
Let's go to the other side, MEN. May instances din naman na kahit gaano pa katino yung lalaking nanliligaw, tipong wala ka ng mahihiling pa because he's just so perfect, yung babae naman ang magulo. How?
1. "Hindi ako makapili sa mga nanliligaw sa akin"--- ANG GANDA MO EHHHH!:))
2. "Masyado siyang mabait, hindi kami magkakasundo"
3. "Kaibigan lang tingin ko sa kanya"--kahit na nag aaylabyuhan kayo at mushyhan in public, biglang we're just friends?
So ano ba dapat? Eh basic stage pa lang ng relationship, mapa friends or as lovers eh ang dami ng problema, mas kumplikado pa pinagdadaanan ng love life kaysa sa ekonomiya ng Pilipinas.
Sabi nga nila, "IT TAKES TWO TO TANGO"--- kailangan niyo ang isa't isa para maging successful ang "sayaw" o galaw ng love life/ relasyon niyo. Eh kung magisa ka na rin lang kikilos, eh di "syotain" mo nalang sarili mo, kung ganun lang din pala, diba? Kahit gaano pa katapang, kaseryoso, at kabait ang isa sa inyo, napapagod din yan.
Another thing, wag papasok sa isang bagay na alam mong hindi mo kaya panghawakan o panindigan. Kawawa yung isa:)
Oh Well. Good luck! I still prefer the old fashioned way;)
No comments:
Post a Comment