Thursday, December 15, 2011

Text.

Kanina nasa jeep ako, may katapat akong babae na nagttext. Nakakatuwa siya tignan kasi everytime na may text siyang makukuha, ngingiti siya na sobra. Nakakatuwa kasi masaya siyang nagbabasa.

Sobrang powerful ng text noh? Bakit?

1. Kasi dati usong uso ang pagfforward ng mga quotes. Na pag sinendan ka feeling mo ikaw ang pinatutukuyan or feeling mo lang mag assume kasi nakaka relate ka. Minsan eh GM lang pala.

2. Pag naka ALL CAPS ang text sayo, kala mo galit.

3. Pag "K" lang ang reply sayo, naiinis ka kasi sa haba haba ng text mo, yun lang ang sagot sayo.

4. Minsan yun iba walang period (.), comma (,), exclamation point for emphasis, wala kahit ano after ng isang phrase/ sentence, so minsan feeling natin tinatamad ang mga kausap natin.

5. Meron namang iba pagkahaba haba haba haba ng text, eh hindi na kinaya ng telepono dahil siguro magkaiba kayo ng unit, kaya broken message, dalang dala ka na dun sa sinasabi niya tas putol naman. BITIN! Kailangan papaulit mo pa, wala na yung momentum.

6. Meron naman yung nagssmiley sa dulo para maexpress ang mood nila habang kausap ang taong iyon. Para "MAS" mukhang masaya o ma emphasize ang topic.
(",)- masaya
=)- masaya
 ;)- kindat, maaring may pinaguusapan kayong kayo lang naka gets, o symbol ng senyasan
 :p- pag nagjjoke ka pero corny
 =p- ibang version
 :(- malungkot
=,( - malungkot na mas malala kasi may luha
<3- simbolo ng pagmamahal
=*- kiss/ simbolo ng pagiging malambing

6. At siyempre ang nausong "JEJEMON LANGUAGE". Kahit kailan hindi ko maintindihan yung mismong idea bakit sila ganun. Parang ang hirap. Kumakain ng oras para mabuo ang isang sentence dahil halo halong letra, symbols, numero.

Cge chchallenge ko ang sarili ko, oorasan ko ang sarili ko, normal typing VS. Jejemon.

Ang sentence: "Hindi ko alam bakit ganito sila sumagot sa text",

Timer, CHECK! Game!

Jejemon: "hIndi kOh aLaM baK!t gANitOh siLA zumaGot sa Text"= 37 seconds

Normal: "Hindi ko alam bakit ganito sila sumagot sa text" = 12.6 seconds

O diba parang ang hirap, sayang sa oras. Kasi magiisip ka pa ng istilo mo ng pagttype dahil hindi naman pareparehas yan. Well siguro nasisiyahan sila sa ganyan, they get something from being like that, so walang pakialaman, opinyon ko lang naman. Hehe.

Oh well, sana makareceive ako ng masayang text. =p


No comments:

Post a Comment