Long time, No see kami ng blog ko since I've started working again. Hindi ko naman alam na literal tambak na ang trabaho. Though so far, so good, I think. Lahat start from scratch lalo na sa pag kuha ng information about the Alumni. Kung nasan na sila ngayon, anong work, anong email address, everything must be updated immediately, and I mean ASAP.
I tried this email blasting (through mailchimp.com). Email/ Campaign, Survey tool sya na pwedeng yun nga, mag email blast. Maganda siya gamitin, iccopy paste mo lang email addresses na nasa excel, then ayun, nasa contact na sila kagad. And pag may ipapadala kang message, one click lang, magssend na sya.
So far, 700++ na yung na add ko. Sad to say, 200++ yung nag bounce back dahil invalid daw ang email address. Hindi na ako magtataka, pag studyante kasi tayo, ang ginagawa nating name for our email address yung kung anong paboritong cartoon character, mga ways to describe ourselves, mga kung ano ano lang just for the sake of having one.
Halimbawa (ito'y base sa mga nababasa ko in the past sa resumes/ at ng kung sino2):
1. sexyladeh@yahoo.com
DI NGA?? with an "h" talaga?
2. alyaspogi@yahoo.com
example ko lagi pag nagttalk ako for career devt na nakita ko sa net. KAW NA POGI!
3. dil_baby01@yahoo.com
familiar for some, akin to eh. Haha. favorite ko kasi si baby dil ng rugrats na kaptid ni Tommy. Sorry na!
4. hunnybunny@gmail.com
Gagawin kitang bunny!
5. sweetkisses@rocketmail.com
Sino may sabi??
6. Mahal_koh143@yahoo.com
Sige na, ikaw na may pinaka mapagmahal na email address. Haha
7. princezzz01@gmail.com
uhm, mizzz, parangz mayz maliz za izpellingzz ng princezzz? Iniisip ko nalang baka nakatulog sya nung tintype nya yan, prince(tas nakatulog) zzzzz :)) WEH.
AT KUNG ANO ANO PA! Meron pa, dahil hinahanap ko nga ang libo libong tao sa facebook, yung mga alumni ng school namin, hindi maiiwasan talaga na may kapangalan siya, so iisa isahin mo. From my list of graduates, dun ko binabase kung sino hahanapin ko sa facebook, dapat makikita kong may nakalagay na: "STUDIED AT: acsat/ asian college of science and technology".
Habang bnbrowse ko isa-isa yung names, matatawa ka nalang sa mga facebook users dahil sa mga info na sinusulat nila. Example:
Search: Juan dela Cruz
All results:
Juan dela Cruz
Juan dela Cruz
Juan dela Cruz
Juan dela Cruz
Juan dela Cruz
Sa baba ng name, nakasulat kadalasan ang info na "STUDIED AT ______" and "WORKED AT _______"
May mga nagsusulat dun:
1. Studied at: Pake mo?
Worked at: Pake mo nga?
Galit ka? galit??
2. Studied at: Secret
Worked at: Shhhhh
Eh nag facebook kapa??
3. Studied at: Masters, MasterS ardines
Worked at: None
In fairness benta sakin to, Masters ardines HAHAHA:))
Wala lang! Haha share ko lang, this is fuuunnn!!!!X))
No comments:
Post a Comment