Sunday, January 29, 2012

Less than a month.

Bakit ganon, may mga countdown na to February 14, a.k.a "Valentine's Day"? Ang bilis naman nakaka pressure para sa mga single, napagiwanan, iniwan, nabreakan, lahat lahat na ng kapighatian sa buhay. Ito nanaman yung araw na makikita mo ang mga sumusunod:

1. Bouquet of Flowers- Take note, "BOUQUET". Gustong gusto ng mga babae na nakakatanggap ng ganito pag valentine's day, birthday, monthsary, anniversary, and the like. Nakakakilig, ganon, Symbol of love kasi siya, not unless ay bulaklak ng kampupot o santan ang ibigay ng lalake, eh ewan ko na lang kung hindi ipakain sayo yun. Haha. anyway, natatawa ako dun sa mga babaeng naglalakad o bumabiyahe na may bitbit na parang isang trak ng bulaklak pag valentines, binigyan mo nga, eh nilunod mo naman, tas minsan nakakaawa pa kasi wala silang kasama. Eh mano ba namang samahan mong makauwi at tulungan mag bitbit kaysa hayaan siyang makauwi na ubos niya na yung bulaklak dahil nakain niya on her way home kasi hindi niya makita ang dinadaanan niya.

2. Chocolates- Masarap 'to, symbolizes sweetness kaya siguro ito ang ibinibigay pag valentines day. Usong uso sa mga araw na to ang pagbibigay ng ferrero chocolates. Isa sila sa mga nabibilang sa matataas ang statistics pag dating sa benta dahil pag bumili ka nito para sa iyong minamahal, "fancy" ka na. Well masarap naman talaga, walang duda. Ewan ko nalang kung hindi pa sya masarap sa presyong P60++ for 3 pieces. Jusmiyo. Eh siguro pag kinain ng babae ang ferrero sa harap ng lalaking nagbigay, tapos talagang pinagipunan ng lalaki yung isang box nun, sabihin na nating, P500++ for 15 pieces, maiiyak na lang siya na "kinain" na yung P500 niya ng ganun ganun lang, one seating. De joke lang. Siyempre bukal sa loob niya yun. Alangan namang isang piraso per day lang.

3. Heart Pillows- Blue Magic ang sagot ng mga tao lalo na ng mga kabataan sa valentine blues nila. Heart pillow that says either, "i love you", "Hug Me!" (demanding??), "For my love", "You are always in my mind" (eh bakit heart, eh di sana brain shaped pillow dabahhh??), etc. Okay lang yung minsanang pillow, pero every year? eh pagtayuin mo na ng museum yung girlfriend mo. Hehe.

4. Lollipop- ito yung chocolate na kulay red/ white na nakatusok sa straw na binebenta P5 per stick. Di ko masyado trip lasa neto, parang nakakasuya na hindi mo maintindihan, ewan parang flour na buo. Sakin lang naman yun. Haha. (uy, so meaning may nagbigay sakin dati??)--- Well sorry, binili ko lang yun nung college ako. Lol.

5. Stuffed Toy- Siyempre, Blue Magic padin ang bida dito, minsan pag may extra ka, bear hugs, bear cuddler. Siguro kaya bear kasi ihhug mo yung pagbibigyan mo. Para maiba, kasi overrated na ang bear, kung ako magbibigay sa isang tao, tatawagin ko siyang: "stuffed ME", na kung saan, gagawa ako ng kasing size ng usual bear, pwedeng isang dangkal, o mas malaki pa, pero ang catch, human stuffed toy siya tas mukha ko siyempre nandun, "mini me" ba, na naka hug. O pwede namang syang customized, kunwari may nag request na naka winter outfit yung magpapagawa sakin, eh di dadamitan. Hahaha. O dba. mas personalized hahaha Kadire ang weird :))

Pero maiba ako, sakin lang, kung mahal mo yung tao, ANYTIME ipapakita mo sakanya, hindi na yung hihintayin mo pa ang valentine's day, birthday, christmas, or whatsoever just to show you affection to a person. Maski naman sa mga magulang/ pamilya natin, hindi na dapat natin hinihintay ang mga espesyal na araw para sa kanila para ipakitang mahal natin sila, simpleng pagluluto, paghahain ng pagkain sa lamesa, treat sa kanila pag sweldo, etc ay napaka laking bagay na.

Oh well, even if you're single, hindi dapat malungkot sa February 14. It's just an ordinary day. Love and Happiness are everywhere, you should just know where to look para maging masaya ka din sa araw na yun, if you really want to :)



No comments:

Post a Comment