So, tomorrow sa ayaw ko man o sa gusto eh may pasok na kami. Actually HR lang. Ang daya, sakit sa puso :( Sabagay kasalanan ko din naman, binigyan ako ng sampung malayang araw para matulog ng matulog, nag computer lang ako habang buhay.
Bakit ko ba tinawag na BATTLE? Battle kasi sasabak na ako sa mga bagay na bago sa akin pagdating sa trabaho:
1. Bagong posisyon,
2. Bagong makakahalubilo (hindi na mga aplikante)
3. Bagong boss
4. Bagong opisina
5. Bagong projects/ activities at
5. Bagong responsibilidad.
Aba, ang daming pag aadjust ang kailangan ko, pero dapat magawa ko sa sandaling panahon lang dahil maapektuhan naman mismo yung trabaho ko pag babagal bagal ako mag adjust.
Naman! Ngayon pa lang, namimiss ko na yung trabaho ko sa HR, lalo na yung mga aplikante. Sila ang nagbibigay buhay sa araw araw ko.Ito yung iilan sa mga tumatak sa isip ko na conversations:
1. Why are you applying in this position?
I am applying for this position because I am "patience"
(Uhm ate, sige, i'll be patience with your answer also)
2. What is your long term commitment here in ACSAT?
I will work and work and work till I die here in ACSAT.
(OMG Please don't die! Haha)
3. What makes you different with the other applicants?
I am different because I have the best gender. I am in the middle. (female siya)
(Presenting, Aiza Seguerra!!!)
4. What are your strengths and weaknesses?
Uhm, I am, ehehehe, knowledgeable, ehehehe, hardworking, ehehehe)
(Ate may kumikiliti ba sayo??)
5. So I've read in your application form that you love to read, what is your favorite book?
App: (Confident) 3 people you meet in heaven.
Me: Uhm Ma'am, diba po it's 5 people you meet in heaven?
App: Ahh yes ma'am, nasa pangatlo pa lang po kasi nababasa ko.
(HAHAHAHA. Tama nga naman, hindi pa niya nammeet yung dalawa, my bad!)
Naku ang dami dami kong naencounter pa, iccompile ko lahat. Pramis. Hay. Masaya ako at the same time nalulungkot pag dating ng bukas, pero sabi nga life has to go on.
Lahat ng binigay sayong bago is a blessing from God, so move on but NEVER forget to look back where you came from dahil yan ang dahilan kaya ka nasa kinatatayuan mo ngayon:) Kaya naman, THANK YOU GOD. <3 I promise to rock my 2012:)
what the hell? 3 People you meet in heaven.. hahahaha! :))
ReplyDeletei haven't read that book but i know that's not the title... you should write more.. hahahah! :)) dala siguro ng kaba kaya kung ano ano na ang sinasabi sayo... :P
http://thegreatwritingchallenge.blogspot.com