Tuesday, January 3, 2012

First Day.

Feeling ko estudyante ako kanina, kasi since nakabakasyon yung mga studyante sa amin, hindi kami nagpatalo, nag bakasyon din kaming mga empleyado. Haha. FYI, I work in a school.

Anyway, I don't know how to describe my so called "first day". Masaya ako na full of energy, magaan yung pakiramdam kahit para akong sinuntok sa magkabilang mata dahil sa eyebags. Dahil as usual, late nanaman ako natulog kagabi.

Nakakatawa kanina, sabi ko nga, lilipat na ako sa bagong office today. from 8th floor, bababa ako ng 3rd floor. So kanina, mega alsabaluta ako sa mga gamit ko, excited na medyo nalulungkot, super buhat ng lamesa at computer, kinahon mga gamit (yung mga abubot sa lamesa na mga mini stuffed toy, pictures)--mga pang pampa bata ng lamesa.

Nung nakababa na ako, eh di arrange arrange, inayos din mga wire ng PC ko, inalis mga gamit sa kahon at bag, yung pakiramdam na nag lipat bahay ba. Nung settled na ako, nagstart na ako magwork, may tinype akong run down of events for the college week. After mga 15 mins:

Boss ko sa HR pumasok: "Helena, nagmeeting kami, sa taas ka na uli, kasi _________ (basta yun)"

Para akong nakadinig ng Christmas song sa saya nung binaggit ng boss ko yung 7 words na yun! Dali dali ako nag "ALSABALUTA" uli, at bumalik ako sa 8th floor kasama ang mga kaibigang kong lamesa na napalapit na sa akin dahil sabay kami nagakyat manaog kanina. Aba eh kahit na ibang department ako mapunta basta dun pa din eh, okay na ako.

Ba yan! Drama drama pa ako, dun din pala balik ko. Haha. To think na PINAG DESPEDIDA pa nila ako at pinagkagastusan in fairness sa kanila nung nalaman na aalis na ako, nahiya naman ako bigla Haha.

Anyway, Masaya pala sa pakiramdam yung kasama mo yung mga taong nagpapasaya sayo bago ka pumasok, siyempre, maganda ang mood mo the night before, so dala dala mo siya hanggang sa pag pasok. Feeling ko lang naman ganun. Haha.

I'm so ready for 2012! Bring it on! \m/

No comments:

Post a Comment