I've just made a decision just recently and I really don't know at first how to go about it. Alam mo yung pakiramdam na choice mo naman yung decision pero you'll feel blank after--- but you have to be strong kasi kailangan?
Now, I still feel lost kahit na alam ko para sa ikabubuti ko din naman yun. Oh well, sabi nga, no need to rush because sooner or later, we'd be able to find the happiness and contentment that we've been all looking for. I'm just praying for peace of mind and healing.
Happiness is such a broad word. Iba iba tayo ng definition at ng level. Iba iba din tayo ng expectations na pag hindi na meet ng isang bagay o tao, we get disappointed and we look for other ways para may "maka- meet" nito. We keep on searching and searching until we find that "perfect" piece na nawawala sa buhay natin.
Is there even a real formula?? Di ko din alam.
Often times, no matter how happy we are when we wake up in the morning, during the day, pag nahaluan na ng ibang bagay, tao, o pangyayari, the level of happiness that we initially felt decreases, then we suddenly feel bad at the end of the day.
So what can we do?
1. Be aware of your actions.
Tayo ang gumagawa ng mga bagay na ikasasaya natin o ikalulungkot. Hindi tayo dapat naka depende sa external factors.
Halimbawa:
Sa trabaho, ang daming ginagawa, ang daming meeting, ang daming kailangang tapusin, it's either you choose to act negatively by shouting at everyone, be lazy, or isaboy mo yung mga gamit mo sa lamesa OR you can just do the job para matapos ka na kagad, smile at everyone, and be thankful na madami kang ginagawa, kasi sabi nga sa amin nung speaker namin before, matakot ka na pag wala ng pinapagawa sayo, meaning, they don't trust you.
2. Be cautious about what you say.
Kadalasan, nakakasakit tayo and it's not because mali yung sasabihin natin, kundi dahil hindi natin pinili ng maayos yung mga salitang gagamitin natin. And vice versa, nasasaktan tayo dahil nasaktan tayo sa term na ginamit. Kaya dapat, we know how to choose our words carefully before saying it because it can make or break a person's mood.
Halimabawa:
a. "Ang panget mo, magsuklay ka naman!" VS. "Nagulo ata buhok mo, ayusin mo nalang"
b. "Ang manhid mo!" VS "Pwede ba tayo magusap, kasi parang may iba sayo, may problema ka ba?"
c. "Ang laki ng tinaba mo" VS. "It's good na hiyang ka sa trabaho, masarap kumain lalo na pag sariling pera"
So on and so forth. There's a huge difference.
3. Be aware of what you think.
For example ako pag nagccommute, uso ang tulakan, umbagan, sikuhan, at lahat na ng klaseng sakitan dahil sa nagaagawan kayo sa jeep, inaamin ko naman minsan talagang lumalaban ako pag nasasaktan ako sa pagka marahas ng mga tao o pambabastos, at dahil dun minsan nasisisira mood ko PERO i always have an option na magpatay malisya nalang because if not, ako din maapektuhan.
We must learn not to be dependent on others for us to be happy. Kung baga, happy na dapat tayo for who we are and for what we have and when something or someone comes along, bonus nalang yung to make us MORE happy.
Pray for that, it helps. God is just looking for the perfect timing:)
No comments:
Post a Comment