Kanina, habang nakasakay sa jeep, nakuha nito ang atensyon ko, na dati rati naman ay hindi dahil may sarili akong mundo pag sumasakay dun. Bakit? Dahil sa mga burloloy na nakasabit sa may bago mag upuan sa harap, parang kurtina type, pero ang catch, mga "JEJEMON" jokes. Haha. Sorry ang judgemental lang. Or minsan yung mga term ng kunduktor sa jeep, nakakabother lalo na pag ikaw pinatatamaan, di ba?
I'm sure lahat tayo nakakita/ naka experience na ng ganun, ngayon lang ako nagbigay pansin. Halimbawa:
1. "Basta Driver, Sweet Lover"- Bakit? I mean, ano kaya meron sa mga driver at naging sweet driver sila? Maaring tumutukoy ito sa mga Jeepney/ Taxi/ FX/ Private Driver. Dahil ba pinoprotkethan nila ang kanilang pasahero? Sympre ikaw ba naman may magpprotect sayo, initial reaction mo: "Ay ang sweet naman". Haha. Pwede!
2. "Di bale ng walang bayad, basta maganda ang sasakay"- Weh? Di nga? Eh bakit ang dadami namang nag gagandahan na sumakay, never namang nangyari na hindi nagpabayad. Haha ang laitero lang nung dating, so ang panget naming mga babae, ganun, dahil ilang beses ka pa minsan paparinggan na magbayad na? Para namang tatakasan mo eh umaandar.
3. "Oooo, usog usog, upong otso lang"- Kung literal ka magisip, matitigilan ka nalang para tanungin sa sarili mo ng: "shet pano yung upong otso??? Papalupot ako?" Haha. Hindi ba pwedeng upong "UNO" para straight na straight ang upo mo, eh di mas nagkakaintindhan kayong diresto dapat ang upo, di ba?
4. "Dun pa sa kaliwa, siyaman yan, siyaman"- Isa pa ito sa di ko maintindihan. Ilang beses na din ako napaaway ng dahil sa statement nilang iyan. Eh paano kung malulusog ang sumakay? Siyempre hindi na kakasya ang sinasabi nilang "SIYAMAN", kasi kakain ng space yung pasahero. Pero hala sige, masunod lang yung ruling nila na "SIYAMAN", kahit halos kumandong na sayo yung katabi mo sa sobrang sikip, makauwi ka nalang at susunod.
5. "Pull the string to STUFF"- Seryoso, ang dami ko ng nakikitang ganyan. as in S-T-U-F-F. Uhm kuya? Pag hinatak ko ba ang string, I'd be able to STUFF what? Labo.
6. "AH BAO BAO BAO" or "POLO POLO POLO"- Ito yung shortcut term nila for CUBAO and ANTIPOLO. Kung wala pang karatula silang winawagayway, hindi mo pa alam kung san iyon patungo lalo na pag first time mo bbiyahe sa mga lugar na iyon.
at ang pinaka panalo sa lahat:
7. "TAGALIZED SONGS- Alam niyo yung sa patok na jeep yung halos lumuwa na eardrums mo sa sobrang lakas tapos sobrang bilis na madudulas ka na sa inuupuan mo pero wapakels sila because they're cool like that?? Hahaha yun ang patok. Pakinggan niyong mabuti yung mga kanta, puro mga kantang uso pero tinagalog o di kaya naman minsa, ginagawang remix tas may rap in between? Halibawa:
- UMBRELLA (by Rihanna)
Compare to: Now it’s raining more than ever/Know that we’ll still have each other/You can stand under my umbrella/You can stand under my umbrella/-ella, -ella, ay, ay, ay
Ay naku, magpapabasa na lang ako sa ulan kaysa yan ang kanta sa aking music pag umuulan:))
- BANANA (by Akon)
Compare to: I wanna make up right now (na na)/I wanna make up right now (na na)/Wish we never broke up right now (na na)/We need to link up right now (na na)
Ang labo, bakit parang ang layo? Hindi palang parang , Malayo talaga!
- TIK TOK (by Kesha)
Compare to: Don't stop, make it pop/DJ, blow my speakers up/Tonight, I'mma fight/'Til we see the sunlight
HAHAHAHA. So kailan pa naging pop= Vice Ganda? at Speakers= Bakla?
- CALIFORNIA GIRLS (by Katy Perry)
Compare to: California girls, we’re undeniable/Fine, fresh, fierce, we got it on lock/Westcoast represent/Now put your hands up/Oooooh oh oooooh
Grbe na 'to! Asan ang similarities Please??? HAHAHA.
Uuyyy kinakanta niyo noh? Haha. De, Kung iisipin niyo, sa una pa lang, nakakairita na, nanggaya na nga ng tono, hindi pa tugma yung lyrics sa original. Sabagay, baka naman tono lang ang habol nila, HAHA. Pero naman! Hindi ko na ma take to! X)))
No comments:
Post a Comment