Saturday, December 31, 2011

Breathtaking.

If you're the kind of person who loves to travel or try out some new places, I recommend, NUVALI. This is located in Sta. Rosa, Laguna, in front of Paseo de Sta. Rosa (if you're familiar).

Bago ko ibida si Nuvali, Paseo de Roxas by the way is a mall (I think) with SO many outlet stores. Sympre if you're on a tight budget but still wants to shop for shoes, clothes, accessories, everything, you'd be able to find it here. Didn't bought anything, though.

Dun ako sa tapat nun, Rose and Grace Restaurant known for its BULALO. Ang sarap! Para akong nasa ulap (OA??) Haha. Went there yesterday with Mama and Kuya, Early New Year Celebration.


Few meters away from Rose and Grace is the Nuvali. It's an eco park na sobrang laki. Pwedeng mag piknik, relax, walk, jog, watch a concert if merong naka schedule, eat your heart out sa dami ng restaurants, fish feeding, biking (P60), boat ride for only (P30)--- and mind you, this is not an ordinary boat, speed boat siya around the lake. Ang lamig, ang presko, pwede humiga sa grass, etc. I'll share some of the pictures:

BOATING AREA/ FISH FEEDING
INSIDE THE BOAT

VIEW OF LAKE

CONCERT HALL


Wish I could go back here again with my friends:) Happy New Year everyone!

RESOLUTION.

Ilang oras na lang 2012 na. Gusto ko mag recall ng mga nangyari sa akin sa loob ng 365 days, kaso hindi ko maalala, o baka sadyang kinalimutan ko o may amnesia nga lang talaga ako? haha.

We can also say that this year has been very challenging in all aspect. Aside sa challenging, may masaya, may malungkot, may iniyakan, may tinawanan, may kinatakutan, may pinakitaan ng tapang, lahat lahat ng klaseng emosyon naramdaman na natin, depende sa sitwasyon.

Karamihan sa mga nababasa ko, they want to forget all the BAD memories that they've encountered this year and start with a new one this 2012--- and I agree to that. Makakasira lang kasi sa mga pinaplano mo for this year and we cannot afford to make the same mistakes again or create a new mistake, if I may say.

So ano nga ba New Year's Resolution ko? Na hopefully magagawa ko. Kasi ugali nating gumawa ng ganito, hindi naman natin sinusunod, so what's the point?

Dapat pag gagawa tayo ng promise, we will do it, no but's, no if's. Sabi nga, kung gusto madaming paraan, kung ayaw, madaming dahilan. Agree!

Going back, ano ba yung mga common resolution na wini-wish natin regardless kung nagagawa or hindi?


1. MAKE WISER DECISIONS. Pag naiipit na kasi tayo minsan, no matter how long we planned something pag nandun ka na sa mismong sitwasyon, naiiba eh. Dapat hindi tayo magpaapekto sa mga tao kung talagang seryoso tayo. Well, if that would make us a better person, why not decide on our own? Bakit kailangan isa alang alang ang iisipin ng iba parati, di ba? Remember, PARA ITO SA SARILI and not to please other people.

2. WORK HARD.  We all have dreams to get rich, you want this, and you want that, receive a compliment for our performance, but we're not doing any effort to get that. Hindi naman magmimilagro na lang bigla ang isang bagay at ibibigay sa atin na hindi man lang pinagpaguran, swerte naman natin. Sabi nga, no pain, no gain.

3. MAGPAPAYAT. Kung hindi tama ang objective kaya nagpapapayat, I think this is not a good idea. May napanood ako before na movie ni Toni Gonzaga and Sam Milby, "My Big Love", Obese type na si Sam Milby and Toni G. is a gym instructor. Tinanong ni Toni kung bakit niya muna gusto magpapayat, sabi ni Sam:

a. Para mapansin siya nung gusto niyang girl (Kristine Hermosa)
b. Para makonsensya yung type/ex niya at maisip na balikan siya uli

Mali daw yun, kasi para lang pala sa ibang tao kaya ka nagpapapayat. Dapat para sa sarili mo, tipong:

a. Ayaw mo na hingalin
b. Gusto mo na maabot yung paa mo pag nagbend ka
c. You want to look good para maging confident

 Mga ganun ba.

4. BE STRONGER. Ako personally, naniniwala akong matapang tayong lahat, nagiging weak lang tayo or emotional pag sobra na or lumagpas na sa kakayahan nating yung mga nangyayari. At hindi dahil sa mahina tayo, kung di dahil sa hindi na natin kontrolado yung mga bagay. Sabi nga, "lahat ng sobra ay masama".

Mas applicable siguro kung sa mga ganitong scenario na hindi na natin alam ang gagawin, "ABILITY TO UNDERSTAND". Kung meron ka kasi nito, hindi mo na kkwestyunin ang mga nangyayari sa yo and you'll just do what you think is right and will just keep on moving. 

5. LOVE. Love is everywhere. You must just know where to look. Kung saan saan kasi tayo nakatingin, hindi natin napapansin yung mga taong nandiyan na mahal tayo, our family, our friends, classmates, officemates. We always associate love with having a partner, kung saan saan natin siya hinahanap, kaya naddepress tayo if we don't have one. Love the people around you first, dahil isa diyan maaring andun yung hinahanap nating so-called, PARTNER.

So yun. Isa, dalawa o tatlo diyan maaring resolution ko din, at meron din namang wala diyan, yan lang yung naisip kong common sa atin.

Yun nga lang, mas naniniwala nga lang ako sa ACTION SPEAKS LOUDER THAN WORDS. Kaya kung may gusto tayo mangyari, gawan natin ng paraan, dahil hindi yan kusang lalapit sa atin:)




Thursday, December 29, 2011

Old Fashioned.

Ngayon ngayon lang, nanunuod ako ng lumang pelikula ni Aga Mulach and Aiko Melendez, title? "May Minamahal".

Si Aga, breadwinner and may kaya yung pamilya nila. He has 2 sisters and retired na yung mother niya so lahat nakaasa sa kanya, siya nagaasikaso, siya ang nagddecide sa lahat kaya wala na siyang time sa sarili, laging puro para sa ibang tao.

Kilala si Aga as pihikan sa babae, pero nung nakilala niya si Aiko (a canteen staff na hindi masyado well off), nahulog loob niya and it changed his life. Naging masaya siya and na feel niya naman this time na may nagmamahal din sa kanya at may nagaalaga.

Ayaw nung family kay Aiko, ang sabi pa nga nung nanay ni Aga: "Ibang iba na ang mga babae ngayon, sila na ang nanliligaw sa lalaki"

(END OF STORY)

Totoo kaya ang sinabi nung nanay sa pelikula, na ang babae na ang nanliligaw ngayon sa lalaki? Or if not, may masama ba kung babaguhin ng kaunti ang nakagisnan na natin na imaintain ang pagiging dalagang Pilipina?

Ano ba definition ng "Dalagang Pilipina"?

1. Mahinhin
2. Pakipot- yung hindi basta basta um-oo kahit kanino
3. Nagpapaligaw sa bahay para itest ang sincerity nung lalaki
4. Pigil sa damdamin na kahit na mahal mo na yung tao hangga't di mo pa napapatunayan, tikom ang bibig

Pero ang tanong, considering na ganoon nga yung mga sinauna, eh paano kung may gusto kayo sa isa't isa pero torpe naman yung lalaki? Meaning, hindi gumagawa ng move, hanggang tingin lang. So mauudlot yung pagmamahalan niyo dahil walang kikilos? Di natin alam, maaring mahiyain lang yung lalaki kasi siguro first time, or pwede din namang iba lang ang paraan niya para magpakita ng nararamdaman, ewan.

May mga nabasa din naman ako at based sa mga kwento ng kaibigan, etc, na hindi maganda na babae ang gumagawa ng first move, para naman daw kasing pinapababa mo sarili mo na ikaw pa ang manunuyo sa lalaki para lang magustuhan ka o magkaroon kayo ng relasyon. Or na ikaw parati ang naghahabol ngayong nasa relasyon na kayo.

Sa opinyon ko, lahat siguro ng babaeng nasa tamang edad ay naranasan ng pagsilbihan ng lalaki, ang nagiging problema lang minsan, nawawala na yung pag eeffort nila pag nakuha na nila yung babae in whatsoever way. BAKIT? Yun ang tanong.

Doon lumalabas ang problema, nasasanay kang "pinapamper", pag nawala, wala ka ding makuhang sagot, so hinahayaan mo na lang, iniisip natin na,

1. "Ah, baka ganito talaga siya"
2. "Mahal ko siya eh, so dapat tanggapin ko kung ano siya"
3. "Lalaki lang ang problema pag pinagtalunan namin ito, kaya tatahimik na lang ako"

Nagkakaroon na ng "LIHIM" between the two of you kasi sa kagustuhan mong hindi kayo magaway at walang argumento, nananahimik ka nalang. Mali eh. From there, hindi na kayo nagiging honest sa isa't isa, hanggang sa dumating yung time na mapagod na lang ang isa sa inyo. RELATIONSHIP ENDS.

Let's go to the other side, MEN. May instances din naman na kahit gaano pa katino yung lalaking nanliligaw, tipong wala ka ng mahihiling pa because he's just so perfect, yung babae naman ang magulo. How?

1. "Hindi ako makapili sa mga nanliligaw sa akin"--- ANG GANDA MO EHHHH!:))
2. "Masyado siyang mabait, hindi kami magkakasundo"
3. "Kaibigan lang tingin ko sa kanya"--kahit na nag aaylabyuhan kayo at mushyhan in public, biglang we're just friends?

So ano ba dapat? Eh basic stage pa lang ng relationship, mapa friends or as lovers eh ang dami ng problema, mas kumplikado pa pinagdadaanan ng love life kaysa sa ekonomiya ng Pilipinas.

Sabi nga nila, "IT TAKES TWO TO TANGO"--- kailangan niyo ang isa't isa para maging successful ang "sayaw" o galaw ng love life/ relasyon niyo. Eh kung magisa ka na rin lang kikilos, eh di "syotain" mo nalang sarili mo, kung ganun lang din pala, diba? Kahit gaano pa katapang, kaseryoso, at kabait ang isa sa inyo, napapagod din yan.

Another thing, wag papasok sa isang bagay na alam mong hindi mo kaya panghawakan o panindigan. Kawawa yung isa:)

Oh Well. Good luck! I still prefer the old fashioned way;)



Wednesday, December 28, 2011

Paniniwala.

At dahil sinasabi na dapat daw magpagupit kapag ka bagong taon, nagpagupit ako kahapon.

Di, joke lang, magulo lang talaga buhok ko. Hehe. Well sabi nga nila, totoo daw yung magpapagupit para maalis yung bad memories and negative vibes mo in the past. New look, new you, something like that.

Hindi ako talaga naniniwala sa ganun, ang tanging sinusunod ko lang before yung tatalon pag birthday (depende kung ilang taon ka na) para tumangkad, feeling ko naman nakatulong. Lol. Pero wala din naman mawawala kung susunod tayo sa mga myths and superstitions, diba? So ano ano nga ba yung mga ginagawa nating mga Pilipino?

1. HAIRCUT. Yun nga, to remove negative vibes and bad memories that the year has brought you. Aba, eh kung ganito ka naman kaganda pag nagpagupit, everyday ako nasa salon. Hahaha



2. FIRE CRACKERS. Kaya tayo nagpapaputok, this is to drive the evil spirit away from our home. This is also to symbolize our wish to have a bountiful and blessed year ahead. Dati, nagpapaputok kami, pero hindi na ngayon, hindi ko alam kung ganun na ba ako katanda at sensitive na ako sa ingay. Okay na din, seeing those people na nasa TV na wala pa man din New Year eh isinusugod na sa ospital dahil sa kakulitan, talagang hindi na maganda lalo na sa mga bata. Maari naman tayong magingay sa iba't ibang paraan na hindi nasasaktan, halimbawa:

a) Magsigawan kayo sa bahay habang naguusap: "KAKAIN NAAAA TAYOOOO", Ganun.;
b) Ipalakpak niyo yung dalawang kaserola niyo or combination of kaserola and sandok na bakal;
c) Gumamit ng torotot o yung uso ngayon na parang bomba ng bike na pula pero napaka ingay;
d) Busina ng kotse o ipa alarm mo ng sadya;
e) Radyo ng malakas, i-tune in niyo sa 91.5, tignan natin kung hindi kayo mabingi sa "tugstugan" nila, yun nga lang, Pilita Corales/ Aegis/ Freddie Aguilar/ Imelda Papin style, may time kasi na luma mga kanta. Hehe.
f) Palakpak, kaso wala nga lang makakarinig sayo, para kang OP kasi mas maingay yung nasa paligid mo;
g) Pwede din namang mag videoke, siguraduhin lang na hindi "My Way" ang kakantahin mo kung ayaw mo mabaril, tandaan mo naghahanda ka pa lang sa New Year.

 

3. POLKA DOTS. Polka dots symbolizes money or shape of coins. So maganda daw na magsuot tayo neto para lumapit sa atin ang yaman/ pera, and to be proseperous. Well, kung pera na lang din naman, bakit kaya hindi na lang rectangle shapes ang suotin, meaning, bills, mas malaki ang value diba? Hehe. Joke lang



4. OPEN DOOR/ WINDOWS. It is also important that you open your doors and windows when 12MN strikes, para daw pumasok ang swerte, graces, and to symbolize that you welcome the NEW year. Kaya lang, hindi mo na mawwelcome ang new year kung puro usok ang papasok sa bahay niyo, sasabihin mo palang yung "HAPPY...." eh nahimatay ka na kasi nalanghap mo na yung usok.



5. FRUITS. Dapat daw may 12 fruits sa table that symbolizes the 12 months, this means prosperity for 12 months. Hindi ba pwedeng 12 vegetables nalang? Mahal na bilihin eh. Kunwari 1 pc. Kalamansi, 1 pc. Kamatis, 1 pc. Bawang, etc.



6. FOOD. And last but not the least, we should put as much food hangga't kaya ng ating lamesa, so that we will always have food on our table the whole year round.  Eh sa dami naman ng gagastusin mo diyan, eh talagang wala ka ng food on your table dahil naubos na pera mo sa inihanda mo in one day. Sakin lang, kung maghahain lang din, ibigay mo nalang sa mga nangangailangan, at least hati hati kayo, madaming nakinabang. Kasi panigurado, hindi mauubos yan.



Filipino traditions are interesting and fun. But before doing those things, we should not forget to thank the Lord first and foremost because He blessed us with another year. Hindi lang naman yung year na ibinigay sa atin mismo, siyempre kasama nadin sa pasasalamat sa mga bagay, tao, at blessings na ibinigay niya sa atin:)

Tuesday, December 27, 2011

Busy Busyhan

Bakit ganun, pag madami tayong ginagawa, naiinis tayo?
Pero bakit kapag wala naman tayong ginagawa, naiinis din tayo kasi wala namang magawa?

Yan ang pakiramdam ko ngayong bakasyon, Nung una natutuwa ako kasi makakapahinga naman sandali sa trabaho, sa dami ng nangyari, talagang kailangan. Ngayon habang tumatagal parang hindi na ako nasisiyahan, nakakainip kasi, hindi ko naman mabulabog yung mga kaibigan ko dahil may trabaho sila. Eh nakalikot ko na ata at naayos lahat ng pwedeng ayusin dito sa bahay maski yung mga bagay na hindi kailangan ayusin, ginulo ko na para may aayusin. Hay.

Isa pang problema, para namang ang dami kong pera para mag lamyerda ng mag lamyerda. As mentioned, wala din naman nga ako kasama dahil nasa trabaho sila.

So anyway, nag bbusy busyhan nalang ako. Pag wala kasi akong ginagawa, ang dami kong naiisip, kadalasan, mga problema sa buhay na hindi ko naman pinapansin dati, ngayon lang siya lumabas sa utak ko kasi hindi siya makasingit dati dahil may ginagawa ako.

Ganun naman tayo diba, alam naman na nating may mga problema tayo pero para hindi nalang maapektuhan, eh dinistract nalang natin ang ating mga sarili. Pero kung iisipin mo din:  

problema nga ba yun talaga na binabalewala natin o gumagawa lang tayo ng issue para maging busy ang utak?

Opinyon ko lang ah, minsan isinasantabi nalang natin ang isang bagay para wala nalang argumento o para hindi na lang mas maging kumplikado.

Ako, personally, nageenjoy ako magisip ng magisip regardless kung ginagawan ko lang ng issue or sadyang problema siya, para lang kung kailangan na talaga siya problemahin, hindi na ako nabibigla sa pagdating niya. Hehe. Yun nga lang, napupuyat ako this past few days.  

Just to summarize kung ano yung mga naiisip ko, kasi masyado namang obvious kung ano at sino mga involved sa isip ko, MY FUTURE. 

FUTURE?  Ang aga naman ata. Well, next year I'll be turning 25 y.o. Hindi man halata pero oo. Joke. Ano ba tong mga "inclusive" sa future?

1.  Work. Ngayon na iba na ang position ko sa current work, will I be able to enjoy it and be contented which I will consider to stay with the company for many many more years?

2. Own Family. Anytime this year kaya maiisip ko na kung kailan ko gusto magpakasal at magkaroon ng sarili kong pamilya? Kanino? Masusunod kaya yung timeline ko na dapat at the age of 27 eh kasal na ako sa taong nakalaan sa akin?

3. Savings. May mga gusto talaga akong bilhin for myself (refer to my post about savings). Yun eh kung mapapagipunan ko kaagad. I have this "hobby" of computing, yun eh kung madidisiplina ko sarili ko. Kaya kung gugustuhin.  

4. Family. Since karamihan naman alam na I did  not grew up with a complete family, we're here in Cainta, my father is in Laguna. So what if, what if lang, tumanda na sila, kakayanin ko kayang magpa back and forth from Cainta to Laguna and vice versa para maalagaan sila parehas? Well hindi naman actually issue yun nor problema dahil gagawin ko lahat para maging posible at dahil yun ang gusto ko, papaano ko mabibigay yung atensyon na walang nagkakalamangan, anyway, kaya ko yun! naisip ko lang paano? Hehehe. Uhm, So nananawagan ako sa magiging future family ko, HELP? Haha. 

Yun lang naman. ikot ikot lang utak ko sa ganyan haha. :)) Bye!
 

Monday, December 26, 2011

Script ng Buhay.

Yesterday, Mama and I went to St. Pio Church in Libis to hear Mass. Jampacked na sa loob so we stayed outside where there is an LCD screen outside (sorry!). Haha. Anyway, Nagustuhan ko yung homily that moved me so much and I really wanted to share it. So here's the story,

Merong play na magaganap sa isang school, The nativity ang theme, and ALL grade 1 students MUST have a role in that play. All students were already assigned except for one, Robert.

Si Robert, hindi mo naman masasabing mahina siya pero the teachers were afraid to give him a role because they worry that he wouldn't be able to memorize his script well. So to come up with a solution, they decided to give him a role na one liner lang and ang sasabihin lang nya is: "Pasensya na po, wala ng lugar dito", that's it. 

On the day of the play, ang ganda na, scene na where Mama Mary and Joseph were looking for a place to stay kasi anytime manganganak na siya, pero 'til now wala pa din silang nakikitang lugar na pwede sila mag stay.

The teachers are already nervous kasi malapit na yung spotlight ni Robert. Baka makalimutan yung line, masira yung flow ng play.

At Robert's place:

Mama Mary and Joseph: (Knock Knock) Pwede ba kaming mag stay dito kasi manganganak na ako.

Robert: "Pasensya na po, wala ng lugar dito"

Habang papalayo, umiiyak na si Mama Mary, they were both so hopeless because they have no place to stay. Eh dahil nadala si Robert sa scene, umiyak din siya at sobrang naawa, sabay sigaw: "Sandali lang po, meroon pa palang lugar dito, balik po kayo!!"

Natigilan yung mga teachers kasi binago ni Robert yung script, but seeing the audience who were all teary eyed, hinayaan na nila and they were happy with what happened dahil nagustuhan ng mga nanunuod.

(END OF STORY)

So what's the message? Sabi ni Father, now that the year is about to end, maybe we need to CHANGE THE SCRIPT OF OUR LIFE TO BECOME A BETTER PERSON. Wow. sabi ko. Tama si Father, mukhang madami siyang pinatatamaan sa sinabi niyang iyon. Anung ibig sabihin? For example:

1. Sanay ka na pabalang sumagot sa nanay mo, bakit hindi mo baguhin, wala tayong karapatang bastusin ang kahit sinong tao, magulang pa kaya?

2. Lagi kang late sa office dahil tinatamad kang tumayo, bakit hindi mo try sipagin at gumising ng maaga?
 
3. Nagsstay ka sa isang relasyon dahil na lang sa natatakot kang wala ng magmamahal sayo, bakit hindi mo muna subukan ng malaman mo? God has plans to give you the right person to be with, you just have to wait.

4. Hindi ka makausad sa same old grades mo sa school? Baka kailangan ng effort.

5. We are dreaming for something to happen, but is remains as a dream. Then why not do something about it?

6. We're looking for happiness but we're to afraid to make a decision. How about, make the decision and embrace the change including the things and people in it?

Minsan kasi we only settle for what is there. Yung bang nananatili tayo sa nakasanyan na natin. Natatakot tayo sa CHANGE dahil iniisip natin yung mga bagay at tao na pwedeng maapektuhan o mawala once we decided to make that change. Natatakot tayong mag adjust nanaman.

Pero come to think of it, don't we want to become a better person? Don't we want to become happy?

Because if we want to in the very first place,

we will MAKE A MOVE TO MAKE IT POSSIBLE,

RIGHT?






Saturday, December 24, 2011

Reality vs. Expectation

It's easy to define those two terms, sabi nga, "been there. done that". But just to elaborate my personal definition,

REALITY for me is what happens at present. Ito yung ngayon--- na, for whatever reason, ito yung naging kapalaran mo.

While, EXPECTATION, ito yung gusto natin mangyari, it may not happen immediately, but hopefully, it will. Synonymous with dream, i guess?

Kanina I was watching 500 days of summer. It's a story between a boy and a girl named Summer who was so charming, lovable, and too friendly that made him fell in love with her. They are together 24/7, they hold hands, make out, kiss, hug in public that made this boy thought that there's something going on between them--- well considering what were mentioned, there is really something going on between them. Summer just doesn't want to admit.

The girl doesn't want any commitment, kung baga for her, "nakakasakal". But then eventually, she got married to a random guy in the middle of their so called "relationship".  He was surprised when he saw Summer wearing an engagement ring at some party and when they saw each other in a park, he said, "you don't want to be anybody's girlfriend, but now, you're somebody else's wife" 

Summer said, something like "I was sitting in a restaurant, reading a book and a man approaches me, and now he's my husband. So, what if I have gone to the movies instead? What if I went there 10 minutes after? That's destiny"

(end of my point)

After watching this movie for like 5 times, napaisip ako and natanong ko bigla sa sarili ko, "Yung expectation ko ba before, nangyayari ngayon in reality? May dream ba ako na nagkatotoo na at present?"

Kung sasagutin ko tong mga to, there are things na dream ko before na nangyari na, meron din namang nananatili as a dream and I have no idea kung kailan matutupad, well siguro hindi ako ang may hawak nung resulta, maaring may mga involve na tao o bagay na sila ang hinihintay ko para matupad ang ibang expectation ko na maging reality na.

Another thing, Kung iisipin din natin minsan, mayroong mga bagay na natutupad pero hindi tumatagal, yun ang mahirap. Siyempre nag invest ka na ng effort, oras, pera, o kung ano man, tapos nawawala din. Yung mga ganoong pangyayari ba. Hindi ka naman makapagturo kasi "TAYO" ang pumili sa option na mag invest ng sobra sa isang bagay o tao. Pag hindi ka naman gaano kumilos, "KULANG" naman. Gulo noh, hindi mo alam san ka lulugar. Hindi ba pwedeng may alarm ang utak at puso para magsabing, "Ooops, tama na, hanggang dito ka na lang"? 

So I guess I'm still battling between EXPECTATION and. REALITY. 

Anyway, I mentioned earlier about destiny, ayon nga kay Summer.

Do you believe in destiny or pure coincidence lang?

Destiny doesn't mean love lang ah, destiny with anything, tao, bagay, hayop, dream, etc? Ganun.

Ako, I don't really know. All I know is that God has plans for each of us. Minsan kala mo yun na yun, pero He's just waiting for the perfect timing lang pala.

Recently, I got confused with some things, ayoko na ielaborate, pero I'm still waiting for a sign from God. Medyo feeling ko meron na akong sign, ayoko lang magassume, Hmm, we'll see.

Happy Holidays Everyone!:)


Wednesday, December 21, 2011

Savings.

The things that I will mention later are not for Christmas, parang imposible naman kasing makuha ko siya in four days. Asa pa ako. Hehe

Yesterday, I was "computing". Yes, COMPUTING for my savings next year. I don't have much savings this year. why? Ewan ko din eh. Ah. Mostly gifts for birthday, dine outs, then I booked a trip for next year Promo naman siya, so okay lang.

Well, personally, magaling ako magipon. When I started working or even before when I was still studying, hindi ko na ugali manghingi. Nahihiya? Siguro. And kuripot kasi ako so may natitira, pag may gusto ako bilhin o gusto ko lumabas, hindi ko na ginagambala nanay ko. So ngayong may work, mas lalo na. I always divide my salary into 5 parts per pay day:

1. My Allowance
-Lunch, Meryenda, Pamasahe

2. Pang bigay dito sa bahay
-groceries/ bills/ pamalengke, whatsoever na pwede makabawas sa gastos

3. Pang lakad
- I never fail to date my mom every pay day sa medyo fancy naman na kainan, gusto ko kasi yung pati siya, naeenjoy niya kahit papaano yung nakukuha ko.
- Pang lakad may also mean, dine out with friends, pang time zone, movies, etc.
- I also use this pag gusto ko mag "ME" time.

4. SUN payment
- siyempre ako na nagbabayad ng linya ko sa sun.

5. Personal Savings
- I always make sure na hindi ako papalya dito. Dapat may natitira lage na ipon no matter what. Sabi nga sa nabasa ko, 10% of your salary is the most ideal amount to be kept as your savings.
- In addition, lahat ng sukli ko at the end of the day na tig P5 or tig P10, tinatago ko din yun, hindi mo mamalayan, malaki na maiipon mo dahil dito.

So yun nga, I have my plans to save up for some "things" na hopefully I can buy in the next few years. Kaya naman eh, basta ma maintain ko lang 'to. I don't know which will come first, pero sana kahit isa diyan matupad:

 TOYOTA VIOS

 iPhone 4S

ACER ASPIRE


I have to save more if I want any of these things. It's the only way and I hope I can buy at least one this year, definitely not the car, of course :))

Tuesday, December 20, 2011

Sendong.

I don't know exactly if I should be wishing for anything right now this Christmas after seeing what happened in Cagayan De Oro, Dumaguete, Iligan, and Bukidnon.

I will never forget those places that were mentioned. Mama and I use to, well until now, we go to places to explore. And yan yung mga lugar na hindi namin makakalimutan sa sobrang ganda, tahimik, one of a kind, peaceful. Places where you want to stay long kasi parang nakakalimutan mo lahat pag nakita mo yung mga lugar na yan. Na ngayon, sira na dahil sa bagyo.

Well we cannot and we should not blame God for allowing this to happen. It's natural. Dati naman, walang ganito, in my opinion, tao din naman may kagagawan, kung baga, binabawian na tayo sa lahat ng paninira natin sa kalikasan. And now, He wants us to feel the consequences.

Ilan pa kayang ganito ang kailangang mangyare para matauhan tayo noh? Ito yung mga iilang senaryo kong naranasan na kasiraan sa kalikasan:

1. Like just this morning, I saw a group of men na nagyoyosi non stop. Hala, tapon lang ng tapon pag ubos na. Eh kung may kakayahan lang ako ipalunok sa kanila yung tira nilang yosi ginawa ko na. Hindi ko maintindihan minsan kung may krisis ba sa basurahan ang lugar na kinatatayuan nila o sadyang manhid lang sila at hindi nila naiisip na kalat nanaman yan.

2. Dati, nung nagjjogging pa ako sa marikina, kuno. Pauwi na ako nun at may mag jowang nakasakay ko sa jeep. Kain sila mcdo, saya saya nila, tapos biglang tapon nung large plastic bag ng mcdo sa bintana, then patay malisya lang sila, kiligan moments lang. Eh naiinis ako kasi lalo na sensitive na ako sa nagkakalat gawa nga na isa ako sa biktima nung Ondoy. Bago ako bumaba, sabi ko: "Next time pwede sa basurahan kayo magtapon?". Nag "opo" naman sila na may weird na tingin, siguro nakita nila sa akin si Inang bayan. Haha. Eh nako wala akong pakialam, minsan kailangan may nagpapaalala sa kanila para matauhan. 

3. Yung mga bumibili ng candy sa jeep sabay tapon. Ewan ko lang ah, pero kasya naman yun balat ng candy sa bulsa, mano ba namang ipasok muna natin dun at itapon nalang pag may basurahan na? Kailangan nag mamala confetting effect pa tayo sa kalsada dahil lang sa walang basurahan na available.

Gaano man kaliit ang basura, pag dumami, lalaki din at makakapinsala na. Kaya please. Be sensitive. 


"Dakilang lahi, nasayo'y tangi, pag ibig ko inang bayan, isinumpa ko o Pilipino, dadalhin ang sugat ng yong nakaraaaan".

Shet. Nakakabaliw. Walang magawa. :/

Christmas Party 2011.

We just had our Annual Family Christmas Parteh last Sunday in Cocoo Restaurant (formerly San Jacinto) Quezon Ave cor. West Ave. Basically it's a Chinese Restaurant. We had games, family presentation, gift giving, too much laughters, and stories.

Ewan ko ba kung papaano naiplano na dapat may presentation per family, nung una nakakahiya kasi siguro "malaki" na kami? Haha. pero sabi ko nga, "it'll be fun". So for a week, nagprepare kami ni mama, siyempre, nakakahiya namang tumunganga lang kami dun. So last week, I was late papauntang office para lang tapusin yung lyrics na gagamtin namin, to the tune of Leron Leron Sinta, here it goes:

"Pamilya namin ay, Astig kahit tatlo, 
dahil sa tropang Helen, Marian at Jino, 
Kaya naman ngayon, steady lang kayo, 
dahil sa amin ay, mamamangha kayo"

"Ang buhay namin ay, parang teleserye, 
Minsan ay masaya, minsan ay may drama, 
pero okay lang yun, kaya namin ito, 
dahil sa amin ay, suporta ay todo"

Haha so yeah that's it, mairaos lang. Okay naman diba? Nanalo kaya kami. Actually lahat nanalo para fair. Eh kung wala kaming presentation, la kaming $$. Haha Aside dun, nakaipon din kami kasi out of 4 games, 2 napalanunan namin, and ang pinaka kasukang game is called food relay.

Merong trash bag, na may different food sa loob na nakapatong sa chair on the opposite side. Players have to run towards the bag, kung ano makuha mo yun ang kakainin mo then you'll say "HOHOHO MERRY CHRISTMAS!" then you go back to your line and tap the next player. Kamalas malasan naman at napunta sa akin eh kalahating ampalaya!! Hindi ako kumakain nun talaga. Isunuka ko na halos pero kailangan. Competitive ako that time =p Hindi na mauulit yun I swear. Ipakain na sa akin kahit anong gulay wag lang yun. Haha. 

So yun, good times as always when you're celebrating Christmas with the family. Too bad we're not going to be together on Chrismtas Day itself, hati hati kami ng lakad.

Merry Christmas! 5 days to gooo!

Saturday, December 17, 2011

Trauma.

Kanina, papunta ako ng mall.

Sa intersection, kakanan ako, but since naka red ang stop light, tigil ako.

Just across the vehicle, may mamang nakatayo sa kanan ko. Nakatayo lang siya, naka brown, maayos ang suot. Nakatitig lang siya as in, i know kasi napatingin ako sa kanya. Eh napansin ko, ang tagal niya na nakatingin, nung tumingin uli ako, palakad lakad siya at  biglang may kinausap sa telepono, sabi ko:

"Naku mukhang kinakabahan ako kasi hindi siya mapakali and he was just staring"

Tumayo uli siya sa may right ko, napatingin uli ako at papunta na siya sa kotse, alam mo yung pasugod na tayo? Buti, may dumaan na motor in between us, na delay siya ng unti, eh sakto go na yung stop light, nung umandar nako, binilisan ko, nakita ko sa side mirror, hinahabol niya yung sasakyan!!! OMG.

Nagmadali ako, binilisan ko yung pag maneho.

"Shet shet ayan na sya"

After 50 meter run niya, tumigil siya, siguro napagod. Sa isip isip ko, baka sumakay siya ng jeep o motor kasi may kausap siya kanina, baka sundan ako. Nagiisip na ako kung saan dadaan para ligawin siya. Or, uuwi ba ako kaso baka masundan ako kung saan ako nakatira.

Ang gulo ng isip ko pero dapat maging alert dahil nagmamaneho ako. My foot was shaking sa takot. Ayan na eh, ang lapit na niya. Eh kung na trapik pa ako, naabutan niya na ako.= /

Prior to what happened, pag dating ko sa kanto namin kanina bago ako pumunta ng mall, tinabi ko yung sasakyan para isara uli mga pinto, double check lang kung nakasara lahat. and I don't know why i did that. Eh bago naman ako umalis ng bahay chineck ko na yun.

Sign? Premonition? COULD BE. Bakit ko naman biglang ichcheck uli eh chneck ko na, di ba? Eh pano kung hindi ko chneck uli tas meron palang pinto na hindi naka lapat ng maayos eh di nabuksan niya na yun.

OH GOD, thank you at walang nangyari sa akin. Magpapasko pa naman at paniguardo madami diyang masasamang loob dahil desperado na.

Always pray and ask for guidance each and everyday. It works. HAY, TRAUMATIC ;(


Thursday, December 15, 2011

Text.

Kanina nasa jeep ako, may katapat akong babae na nagttext. Nakakatuwa siya tignan kasi everytime na may text siyang makukuha, ngingiti siya na sobra. Nakakatuwa kasi masaya siyang nagbabasa.

Sobrang powerful ng text noh? Bakit?

1. Kasi dati usong uso ang pagfforward ng mga quotes. Na pag sinendan ka feeling mo ikaw ang pinatutukuyan or feeling mo lang mag assume kasi nakaka relate ka. Minsan eh GM lang pala.

2. Pag naka ALL CAPS ang text sayo, kala mo galit.

3. Pag "K" lang ang reply sayo, naiinis ka kasi sa haba haba ng text mo, yun lang ang sagot sayo.

4. Minsan yun iba walang period (.), comma (,), exclamation point for emphasis, wala kahit ano after ng isang phrase/ sentence, so minsan feeling natin tinatamad ang mga kausap natin.

5. Meron namang iba pagkahaba haba haba haba ng text, eh hindi na kinaya ng telepono dahil siguro magkaiba kayo ng unit, kaya broken message, dalang dala ka na dun sa sinasabi niya tas putol naman. BITIN! Kailangan papaulit mo pa, wala na yung momentum.

6. Meron naman yung nagssmiley sa dulo para maexpress ang mood nila habang kausap ang taong iyon. Para "MAS" mukhang masaya o ma emphasize ang topic.
(",)- masaya
=)- masaya
 ;)- kindat, maaring may pinaguusapan kayong kayo lang naka gets, o symbol ng senyasan
 :p- pag nagjjoke ka pero corny
 =p- ibang version
 :(- malungkot
=,( - malungkot na mas malala kasi may luha
<3- simbolo ng pagmamahal
=*- kiss/ simbolo ng pagiging malambing

6. At siyempre ang nausong "JEJEMON LANGUAGE". Kahit kailan hindi ko maintindihan yung mismong idea bakit sila ganun. Parang ang hirap. Kumakain ng oras para mabuo ang isang sentence dahil halo halong letra, symbols, numero.

Cge chchallenge ko ang sarili ko, oorasan ko ang sarili ko, normal typing VS. Jejemon.

Ang sentence: "Hindi ko alam bakit ganito sila sumagot sa text",

Timer, CHECK! Game!

Jejemon: "hIndi kOh aLaM baK!t gANitOh siLA zumaGot sa Text"= 37 seconds

Normal: "Hindi ko alam bakit ganito sila sumagot sa text" = 12.6 seconds

O diba parang ang hirap, sayang sa oras. Kasi magiisip ka pa ng istilo mo ng pagttype dahil hindi naman pareparehas yan. Well siguro nasisiyahan sila sa ganyan, they get something from being like that, so walang pakialaman, opinyon ko lang naman. Hehe.

Oh well, sana makareceive ako ng masayang text. =p


Despidida.

Nung isang araw, lumabas kami ng mga officemates ko sa HR para magkaron ng small group Christmas get together, small group kasi 5 lang kami. Pero nauwi ito sa despidida ko. Ang lungkot naman ng term. Well hindi naman siya actually despidida, dahil lilipat lang ako ng floor, ng department, magiiba ng mga kasama.... ay ang lungkot nga. :(

Magddrama lang ako ng konti, more than 2.5 years na ako dito sa HR/ Head office, dami ko na napagdaanan ditong maganda at hindi maganda, naging kaibigan ko lahat, naging malapit ako sa kanila na parang isang pamilya na ang turing ko sa kanila. At sa paglipat ko ng ibang departamento at palapag, tingin ko mahihirapan ako mag adjust, sila na kasi ang nakagawian ko mula nung nagsimula ako. Ngayon panibagong mga kasama, panibagong opisina, bago lahat. Hindi ko alam kung pano sisimulan. Isang buwan nalang and I'm out.

Pero sabi ko nga, ako na rin lamang yung tipong adventurous na tao, madaming pangarap at gusto mapatunayan, ito na yun. Inihain na sa akin. Ang kailangan ko nalang gawin is to "embrace the change" dahil ito ang pinagarap ko after all.

Tuesday, December 13, 2011

Blessing.

In my last post, I was angry, I was mad, I want to yell at people, I want to cry because of too much hurt inside. Hindi ko alam kung anong nanagyari, pero okay na ako ngayon, kalmado lang, tahimik na ang isip.

I became so unfair to God, akalain mo, ang pinansin ko eh yung galit at lungkot at hindi yung blessing na ibinigay sa akin just yesterday. If you could remember my post last week, that I even mentioned that only one person knows about it and will tell publicly if it's final... yes, i am ready to share.

I GOT PROMOTED from Recruitment Staff to Career Placement and Alumni Officer!! Ang galing lang, I mean, ang weird rather, hindi naman sa petix ako sa work, I just enjoy what I'm doing na parang naglalaro lang ako everyday, but with output of course. I never expected that it is me whom they will choose, kasi during the past week, I was advise to hire somebody for the similar position, but then, they decided to choose me instead since I've done the basics of it, yun lang, sabi nga, with higher position comes greater responsibility.

Last sunday, I went to mass alone, even if it's early, i woke up just to attend the mass and that rarely happens. Anyway, nung Friday, pinahapyawan na ako ng boss ko that there is a plan for me, though, it's not yet finalized, sabi ko kay God, "KUNG HINDI PARA SA AKIN YUN AT KUNG HINDI KO KAYA, HINDI IYON MAFFINALIZE", blah blah blah. Then nagiimagine ako na what if natuloy, anong mga projects ang sisimulan ko, etc. Assuming? hindi naman, I just want to vision myself in that position. Kung hindi mafinalize, no hard feelings, eh yun ang plano sa akin ni God, maybe some other time.

Monday, Kinausap ako ng masinsinan, and NA FINALIZE ang plan for me. I got happy, excited and sad at the same time. Sad kasi, sobrang malapit sa akin ang mga tao dito, and since ililipat na ako ng office, department, siyempre, malungkot.

Sinabi ko iyon kay mama through text and she was so happy and proud of me, text pa lang yun ah, Nung nagkita kami, nanlambot ako kasi umiyak si mama sa tuwa. (talaga kahit na nasa grocery kami??) Haha. who cares. Bawing bawi daw siya sa akin kasi siya, before daw maging officer, it took her 15 years, blah blah.

Sabi ko nga kay Lord even nung college pa lang ako, gusto ko kumita ng malaki laki, kasi gusto kong mas makatulong kay mama, yung may maiabot pa ako para sa expenses namin, may mabili siya sa sarili niya, o ako mismo mabilan siya na ikasasaya niya, etc. Yun ang nasa utak ko at hindi pang sarili, well I guess God is so generous at magagawa ko na iyon. I could save more for my future. Jusko Mag-25 na ako dapat iniisip ko na ang pamilya, ano papakain ko sa anak ko, magka sariling kotse, bahay. Haha.

Hay thank you so much Lord kahit na ang sama ng ugali ko, you still gave my wish=,) Nakakaiyak naman. Salamat Lord! Salamat!

Internal Rants.

Rants, meaning, "to talk in a noisy, excited, or declamatory manner" according to merriam webster.

Internal, because I want to shout, yell, or whatsoever, but I can't. Siyempre madaming maapektuhan, madaming pwedeng matamaan, madaming tanong tanong kung bakit, sino, kailan, kaya might as well not mention anything verbally:)

So bakit nga ba ako "nagagalit" at "naasar"? Mag ttwo weeks na siguro ako depressed/ down. Siyempre, being the happy type of person, halata sa akin kapag malungkot ako, sabi ko nga ayokong may magtatanong pa, not unless, ako mismo magsasabi sa tao kung bakit. I hate this feeling. GRRR.
I'll just do fill in the blanks, para wala nalang issue:

1. Bakit sa tatlong nadaanan ko, ako lagi ang MAS ___ _________? Hindi ba pwede pantay o higit naman yung isa? Pa feel naman.

2. Bakit pag _____a mo na, wala ng _______m?

3. Porket alam  mo na _______t ako, ________o mo.

4. ________d na ako, ginagawa akong _____a!

5. ________ nalang ng ________ para hindi ako __________a.

6. Gusto ko maranasan na ako naman yung _______________.

7. Gusto ko _______ at pumunta sa __________ at least dun, may _______n ako.

BTW, "MO" doesn't talk about one person alone, it could be addressed to many people. FYI.

Nakakabadtrip! >:/ Worst blog entry ever! Magpapasko pa naman. I should be happy, but there are some things na hinaharangan ako.

Monday, December 12, 2011

SM Gift Certificate.

It's a blessing that I was awarded with an SM Gift Certificate, oo kuripot na pero, ginamit ko yung iba dun pang regalo sa inaanak ko. so kung hindi pa pala ako naawardan, hindi ako bibili? joke. Blessing lang. at least hindi na ako naglabas ng pera. Bumili din ako ng personal stuff ko, matagal ko na siya gusto but since expensive, and reiterate ko lang na kuripot ako, hindi ko siya binibili. So thank you sa award, Haha.

I call yesterday, "ME" time. It's important for me to have this kind of day from time to time. I feel rested and happy. Window shop lang but especially, nakakain ako ng masarap na masarap, na naayon sa panlasa ko nung araw na yun. Yesterday I had beef lasagna and brewed iced tea sa french baker. PANALO! 

May naka share ako ng table, mag ina, kasama daughter niyang baby pa, 2 y/o ganun. Mukhang conyo. Mukhang mayaman kasi super english na slang?  She was talking to her daughter the whole time so medyo na assume ko ng ganun. Kaso naiba tingin ko, na natawa, hindi naman ako perpekto, observant lang.

Scenario:

Mom: Bella, do you want pasta?
Baby: (N.R, kasi nga baby pa) "hsdfhdhshdsf"
Mom: Bella, do you want iced tea?
Baby: *Silence*

Mom: Bella, do you want "CHUSCAKE" huh baby? you want "CHUSCAKE"?

Ako: *sa isip ko* ano daw? AAAAHHH CHEESECAKE!!!

:))) Funny lang yung iba. wag na ipilit kung alanganin. Well hindi naman sa lalaitin sila kundi para safe na lang, besides, people around you will notice that you're rich anyway, you don't need to brag it verbally.



Saturday, December 10, 2011

Christmas Party.

So yeah, our Christmas party is over. Masaya naman siya in fairness kahit na sobrang cramming na kami for the games, set up, raffle prizes, etc. Napaaga kasi yung celebration namin, but we pulled it off.

I was one of the emcees, again. Haha baka nagsasawa na sila sa amin, pero hindi naman siguro kasi tumatawa naman sila, and seeing them enjoying the event makes me prouder that I've been a part of it.

Sabi ko nga sa FB ko, I was awarded and recognized  for having good attendance, meaning, no absences without pay, no lates. And won one of the major prizes, at yun ay kalahating kaban ng bigas, hehe. I was hoping to get the China version of iPAD, but this is so much better. Nakatulong nanaman ako sa pag gastos para sa daily staple ng aming pamilya. Weh.

Anyway, the day after that we had our sportsfest. But my mind is not really in the game, I was thinking about something else, but sorry, cannot publicly say it. It's just him who knows about it. Hmm. Hearing the news made me happy, nervous, and sad at the same time.

Curious? You'll know about it when it's final.






Wednesday, December 7, 2011

Magulang.

Kung meroon mang pinaka importante na tao sa buhay natin next to God, yun ay ang magulang natin, well sila naman dapat, walang pero, walang kasi. 

I'm not very vocal about my feelings about parents, but something triggered me to touch this subject.

Minsan tingin ng iba sa sarili nila, na porket malaki na sila, kaya na nilang mag isa.
Ayaw nilang pinakekelaman sila. Masyado ng mataas na akala mo ang layo na ng narating.

Minsan, may mali din naman mga magulang natin.
Na sa dami ng factors, hindi na natin kailangan ienumerate.

Minsan naiinis tayo.
Nagtatanim ng sama ng loob for whatever reason, pero ganun pa man, bilang anak, kahit sukdulan pa ang galit natin sa magulang natin, wala tayong karapatang pagsalitaan sila ng masama. Hindi pagsasabi ng totoo yun kundi pambabastos. Pwede naman tayong magkontrol ng ating nararamdaman, manahimik nalang. O di kaya'y makipag one-on-one ka ng makausap mo ng maayos.

Hindi din dahilan na hindi maganda ang nakaraan natin kaya ganito tayo ngayon, choice na natin yun kung lalaki ba tayong isang mabuting tao o masamang tao.

Minsan ginagamit natin ang ibang tao para hindi mapunta satin ang sisi sa miserable nating buhay.
Kadalasan, nagtuturo tayo ng maaring pagbintangan para maging malinis pa din ang imahe natin lalo na sa mga taong nakapaligid sa atin. Hinahanapan natin ng butas ang iba para makatakas sa kasalanang tayo naman ang gumawa at nagsimula. 

I think is is very unfair. Nakakaawa ang mga magulang natin pag ganito tayo sakanila. Ilang taon tayong pinalaki, pinagsilbihan, binigyan ng magandang buhay, at ilang tao silang sumusunod sa gusto natin or at least tryng their best to please us, tapos isang beses lang na hindi tayo masunod, galit na? maktol? Dabog?

Unfair. Tandaan natin na hindi lang sila basta magulang, kundi tumatandang tao na din sila. mano ba namang tayo naman ang magsilbi sa kanila? o kung hindi man, pasayahin lang natin sila sa kahit anong paraan? Hindi sa habang panahon ay nandito sila. Kailan pa tayo babawi? Pag wala na sila? Napapagod na din sila maging magulang pero hindi pwede magpahinga. Pagaanin lang natin loob nila okay na yun.

Sana, sa mga taong nakakarelate, maging eye opener to. Gusto ko nga sabihin sa nagtulak saking magsulat nito, siguro nga kailangan mawala muna ang mga tao sa paligid mo para marealize mo ang lahat. Mahirap kasi yung nakaasa sayo ang isang tao, hindi natatakot dahil alam mong sasalo sayo. Sana hindi dumating ang panahon na huli na ang lahat para sayo at tanging konsensya mo nalang ang bubulabog sayo.   

Just saying...  

Divisoria.

Mission Accomplished!

Galing akong divisoria kahapon. OA lang sa dami ng tao, maulan, maputik, SOBRANG bigat pa ng dala ko dahil namili ng mga gagamitin para sa Christmas Party namin bukas. Pero sympre, work with pleasure. Nagdala ako ng P700 para pag may nagustuhan ako, mabibili ko. Aba, sa mura ng presyo dun, chnallenge ko sarili ko na nandun na Christmas gift ko sa sarili ko at segway ng pasalubong.

"Pili na! Pili na! Anong hanap?" --- yan ang famous line ng mga tindera dun. mula 7AM-4PM na nandun ako, yun ang nadidinig ko. eh di sympre bawat stall, kahit parepareho tinda napapapatingin ka. Depende nalang kung "encouraging" ang tono nila.

So yun nga, P700. Mga items na nabili ko:

1. 2 Sando na pang alis. o sige sleeveless.
2. 1 pants/ puruntong na maluwag para presko
3. 1 dress na maikli pala sa akin pero ayos lang
4. 1 zebra print watch yung strap at yung mismong orasan at lock ay neon pink
5. 1 adidas dri fit shirt

In fairness napag kasya ko yung daming yun sa P700. Okay nako, hindi nako bibili ng kahit ano this Christmas, masaya na ako dun. yes!

Monday, December 5, 2011

Christmas Shopping.

Hanep sa title! Kala mo ang daming pinamili. Haha. Pero Oo, nag Christmas Shopping ako kahapon kahit maulan. Nakarating kami kung saan saan para lang makapaghanap ng regalong hindi kamahalan pero hindi halatang mura.

Masaya ang araw na to, adventure. Hindi pa namin makita yung sasakyan kaya ikot kami ng ikot, walang nakaalala kung saan pinark yung kotse. Merong nakipag singitan sa parking dahil hopeless na kasi ang next parking sa rooftop na, tawaran portion, at sympre ang pag bili ko ng gift sa kanya na siya nalang namili, ang hirap pag ako pa mamaya hindi magustuhan, saka yung binili kong regalo sa kuya ko dahil birthday naman bukas. The rest mga pang exchange gift na. Ang hirap nung unisex na regalo na P150, kung hindi common, chaka naman. Haha. Pero salamat sa sale at nakaraos din.

Maganda talaga yung may naka budget ka na na pang gift lang. Hindi ka kinakabahan na baka ma-over spend ka, tapos may sukli ka pa kasi uso sale ngayon. Smart buying ba. Pag kumikita ka na kasi ng sarili mong pera, parang sampung beses mo pang iisipin kung paano mo ibbudget. Nakakahiya naman kung hihingi ka pa sa magulang mo ng pang regalo mo sa ibang tao diba. Eh ako kuripot pa naman ako, bongga lang pag sa pamilya, sa kanya at sa SUPER close.

Oh well. so much of spending for gifts, ngayon, ieenjoy ko nalang yung mga natipid ko at sukli sa pagkain. Besides, la pa akong regalo sa sarili ko;)

Reunion 2011.

It's been more than 2 years since we graduated from college. Naka isang reunion na kami before sa Trinoma, and now, another reunion was organized by our class president at natuloy naman siya nung Saturday.

Kinakabahan ako nung papunta pa lang, ewan ko kung bakit, wala naman akong tinataguan or anything, sadyang kinakabahan lang ako sa pwede kong makita/ makasalubong o sa mangyayari.

My initial reaction when I arrived at the venue? SURPRISED! Nagulat ako hindi dahil sa madaming tao, kundi nagulat ako dahil anim lang kami sa lamesa. Kung hindi pa kami dumating, apat lang sila. Professor pa namin yung isa, so tatlo? Wow Reunion nga. "Bakit ganon", sabi ko. May hidwaan bang nagaganap at hindi dumating ang ibang tao? O kung may hidwaan man, hindi na ba kayang tignan ang mga ito at mas piniling hindi nalang pumunta? Malayo na ba ang EspaƱa bigla?

Sabi nga ni sir Bong, ang aming Professor sa Labor, "KAHIT SAAN NYO PA PLANUHIN ANG REUNION, PUPUNTA AT PUPUNTA YAN KAHIT SAN PA YAN KUNG TALAGANG GUSTO"

Nakakalungkot lang na parang bumabaliktad na ang pagkakakilala ko ngayon sa samahan na meroon kami noon. Inggit nga yung iba sa klase namin dahil "SOLID" daw kami. Kung baga sa Science, LIQUID na kami ngayon, na dissolve, natunaw ang samahan. 

May nga gusto akong makita nung araw na yun pero hindi dumating, sayang. No hard feelings naman siyempre, maaring may mga lakad din silang mas importante. Nakaka dissapoint lang nung araw na yun. But still, na enjoy ko pa din yung small group, may mga sumunod naman nung kinahapunan,kaya medyo dumami nadin naman.

Nung pauwi, nakasama ko pa sa gateway tumabay yung mga ka close ko sa klase. Nagmeryenda at timezone, just like the old days. Nakakamiss sobra! Sana next time mas madami kami:) 

Try again next time na pagplan? Hmmm. We'll see.

Thursday, December 1, 2011

Bonifacio Day.

Ewan ko. Pero ang paniniwala ko pag may holiday is a time to rest para sa mga nagbabanat ng buto, pero more on naawa din sa mga taong no work no pay, kasi siyempre, ano nga naman ipapakain nila sa pamilya nila. Kaya minsan aborido ako kapag OA mag celebrate mga tao pag walang pasok eh. Wala lang.

So Tuesday night, natulog ako sa apartment namin sa QC kasama si Mama, wala namang pasok eh, sinamahan ko na.

I find my own version of holiday very fulfilling, to make the long story short, yung katulong ng kapitbahay namin pinalayas and nirefer ni Mama sa tita ko sa QC. Nag apply sila kahapon sa tita ko kasama yung anak niyang 6y.o na napalapit na din sa amin kasi every morning na sa amin yun, na tumutulong maglinis ng bakuran, in fairness. After mag apply, kailangan na nila umuwi sa kapatid nya sa Manila, nag tricycle kami pa SM north, inikot sila sandali at nilibre ko sa carousel yung bata. Pasyal unti tapos MRT na.

Ang saya nung bata. Lahat bago sa kanya, ultimo fountain ngayon lang siya nakakita, at si Santa hindi niya kilala, lumaki kasing kaharap niya eh walis tambo at dustpan mula nung pinanganak.

Sana nga totoo si Santa, para naman ngayong kilala na niya, baka isa siya sa mapalad na bata na tututparin ang wish niyang may malipatan na trabaho nanay niya at makaranas ng maganda gandang buhay. Ni hindi pa nga nabibinyagan yun eh.

Ang sa akin lang, oo kumikita tayo at may karapatan tayong gastusin to dahil pinagpaguran natin ito, pero hindi naman masamang tumulong at bahagian natin sila nung blessings natin, try lang natin, masarap sa pakiramdam:)