Akala namin hindi na matutuloy. Well sa pagkakakilala ko sa sarili ko, I'm good in waiting, if I feel that it's worth waiting for.
January 2013, the lessor said that we can already start with the construction kasi may permit na yung building (SA WAKAS!). Fast track lahat, starting with the construction, pagbili ng supplies, paghahanap ng empleyado, and pag rresign must all be planned and done in a month!
Just to give you an idea, I would like to share what i know. Hindi naman ako expert. I'm new at this. I did not even planned where I am right now, it just happened. Kaya for those people who wants to put up a business of their own, hope this would help
THE PROCESS
1. LOCATION- Location is very important. Nagkalat diyan ang mga samu't saring food carts or even those companies who offers franchise business, but how sure are you that it'll earn kung wala kang STRATEGIC LOCATION? You may have the best products, pero for example sa tabi ng school mo siya ilalagay, sa tuwing walang pasok, bakasyon ng mga bata, konti ang enrolless, it may not earn as much kasi limited to students lang.
My business is located along Marcos Highway cor. Ligaya. Sakayan siya ng mga empleyado, students, all sorts of people going to and from Pasig, Antipolo, Marikina, Rizal. With these kind of customers, mawalan man ng pasok ang mga studyante, meron paring empleyado or yung mga nagagawi lang sa lugar kasi dun ang sakayan. And that's what I meant about Location, hindi namimili ng pagbibilhan kasi open sa lahat.
Pwedeng sa palengke, terminal, malls, simbahan, community na talagang ma tao. Don't limit yourself sa bahay lang, wala ka ngang binabayarang upa pero matao naman ba?
2. PRODUCT - Kahit anong ibenta mo, basta may customer ka, walang problema. Although food ang naisip ko because it's a necessity. Lahat ng tao nagugutom every day. May maamoy ka lang na mabango, maski hindi ka gutom ma eengganyo ka, mapapabili ka. Sa location na napili ko, since terminal siya, mahirap sumakay dun, sabi namin ng Nanay ko, habang naghihintay ka ng masasakyan, eh kaysa tumayo ka diyan, kakain nalang muna ako.
Product may also mean pagkain na mabilis kainin, mabilis iprepare kasi ng nagmamadali yung mga tao dahil pag dumating na yung jeep, tatakbo na yan. Kaya I chose siopao, siomai, and fried noodles. It's healthy, nakakabusog, and madali kainin kahit na naka tayo ka or nasa jeep.
For example your location is sa palengke, mga customer mo ay mga nanay, mostly. Kung ako nanay, busy ako sa mga anak ko at sa trabaho, wala nakong time magluto, hahanap ako ng pwedeng bilhan ng pagkain na ready to eat! Merong franchise dyan na rice in a box, or siomai na issteam mo lang, ulam na!
Or if you belong in a huge community, may tricycle terminal dyan for sure, it's either you cater to their hungry tummies OR sell motor parts kasi meron at meron masisiraan ng tricycle dyan. That's a great business also.
Think of real scenarios :)
Below is the link that might help you find your dream franchise for an affordable amount. Sa lahat ng nakita ko sila yung sulit at mura na, masarap pa. You have tons of choice depending sa need mo. And of course, they offer the best promos. Saktong natyempuhan ko naman yung BUY 1 Take 1 Promo nila.Was able to avail these two for P26, 888 ONLY!!!
3. FINANCIALLY, EMOTIONALLY AND PHYSICALLY READY ka na ba?
-Aba napaka importante nito. It will take MOST of your time lalo na pag magsstart ka palang. Hindi naman pwedeng absent ka ng absent para makakuha ng permits*, pag may hindi ka nagampanang agenda for the day iiyak ka, or pag napuyat or napagod ka, magmamaktol ka at susuko, minsan magkakasakit pa.
*Permits:
a. DTI
b. Mayor's Permit
c. Brgy Clearance
d. Health Certificate
When the time came na kailangan ko na ifastrack lahat dahil kailangan ko na kumita bago pa man ako singilin sa renta, I knew that I have to resign from work. With the stress sa work plus yung stress pa pag sstart ng business, sasabog ka talaga. At least, I was able to focus on the things that need to be done, ano yung mga kulang, ano pa yung mga kailangan, I can interview applicants anytime. I can run my errands for the permits that I need to accomplish before opening, etc. It really takes a lot of hardwork and patience because not everything turns out well everyday.
Financially ready, I am so blessed that my Mother helped me out. And with my little savings, kahit paano nakatulong din naman sa pag bili bili. Sabi ko sa sarili ko, once na magstart nakong kumita, dapat hindi na ako maglalabas ng pera o magaabono, dapat lahat manggaling na sa kita. Mahirap kasi mag abono, eh paano kung walang wala ka ng pang abono? Nakakahiya naman kung mangungutang ka. I'm just so thankdul na so far, wala na akong inaabonohan. And I'm praying na mag tuloy tuloy :)
Ano ano ba mga kailangan bayaran at paghandaan financially?
1. Deposit and Advance rental payment
2. Supplies
3. Stocks
4. Payment sa mga Permits
5. Transportation expenses
6. Store/ Cart Improvement
7. Pasahod sa mga gumagawa ng store mo
Puyat at pagod ang magiging kalaban mo talaga pero if you love what you do, hindi mo na mararamdaman yun, kung baga matutulog kang nakangiti because you know you did a great job. It was a huge adjustment for me because I was hired as Part Time pa din in the same company. My store closes at 12mn, I have to go to work the following day at 8 am- 5pm, go to the store til 12mn. Naging ganun ang takbo ng buhay ko for the past months. But now that I am almost fully resigned, I was able to give more time for my business.
4. NOW... WHAT'S YOUR GOAL?
Hindi pwedeng na establish mo na, dun nalang iikot lahat. Set your goal, what's next for you? Let's say kumikita ka na, ano gagawin mo sa pera? Ako naman, simple lang ang gusto ko everyday, na maka quota para hindi ko mapabayaan ang mga obligasyon ko like yung renta, kuryente, tubig, pasahod, pagbilig ng stocks and supplies. Mag breakeven lang, sa madaling salita. Long term goal ko is to branch out. And I know that this is not impossible kung alam mo sa sarili mong nagsisikap ka.
------------------------------------------------------------------------------
With this experience, I am just so thankful to God first of all for letting this happen. Sabi ko nga kung para sa akin, ibibigay nya to sa akin, sobra nalang kasi ang passion ko for this one. Sabi nila "may mga tauhan ka naman, bakit ikaw pa ang nagbebenta/ nagluluto?"
Sagot ko: "Eh dito ako masaya eh."
Ayoko naman iasa lahat sa mga tao dahil ikaw mismo dapat alam mo ang ginagawang proseso ng pagluluto, pagssteam, paghahanda, Ayoko din naman mag panic pag may absent na isa, mas lalo akong masstress. Huwag kang maging mangmang sa sarili mong business, diba. Proud lang ako sa sarili ko kasi ang dami kong natututunan bawat araw. And as promised kay God, hindi ko ito pababayaan.
Salamat din sa Nanay ko na sobra nalang ang suporta sa naging desisyon ko. Di bale, babawi ako, hindi man sa malalaking paraan pero sisiguraduhin kong magsisikap ako dahil yan ang tinuro nya sa akin :)
There's nothing wrong being an employee, but if you can afford to also put up a business while working, better. Iba kasi talaga yung fulfillment and joy once you have your own. :)
No comments:
Post a Comment