Thursday, February 16, 2012

Puppy Love.

It's been three weeks I think since my last entry. Very busy and tired but truly grateful that the event assigned to me ended successfully (or feeling ko lang successful?) HAHA. Anyway, still, closed book na siya, now I can move on with my other projects.

Two days ago, it was Valentines. Flowers and Chocolates everywhere. Haba ng hair ng mga kababaihan dahil merong isang araw na nakalaan para maramdaman nilang they're truly loved by their partners in life. Or kung hindi naman, love was felt more by the parents para naman sa mga butihing anak na hindi nakakalimot, at pwede din namang love ng friends para naman daw sa mga single.

I really can't remember having that so called "puppy love", na 13-16 years old may boyfriend na. Walang ganun. Well because I grew up in an all girls' school and I really didn't had the chance to mingle with the opposite sex, mainly because I don't want to. Bata pa tayo nun. Bahay-Skwela, walang biro :)

Those people who entered into a relationship THAT early, love kaya talaga yun? Because looking back, immature pa tayo nun eh. Kung baga, ang pinagaawayan lang ng mga panahong yun siguro:

a. Counter Strike vs. Nakalimutan mong tumawag sa gf sa landline
b. Hindi kayo pareho ng "club" na sinalihan (e.g Cooking Club, Boy Scouts/ Girl Scouts, Dance Club, Bible Study Club)
c. Ang hindi pag gawa ng homework ng sabay
d. Hindi mo siya piniling partner sa isang subject o reporting.
e. Naglihim kang nasa bahay ka na kuno pero ang totoo nag bbasketball ka sa kabilang purok (PUROOK??) haha.

In my 24 years of existence, I myself could not believe that I started having a crush on someone nung college lang. Dun lang kasi ako nagkaron ng kaibigang lalaki.

Was I culture shocked when I entered college? SUPER. Parang laging mala madre ang kilos, dapat mahinhin, dapat prim and proper, pati damit parang aattend ng simba parati, lahat nasa ayos. Haha. No regrets, though. Kung iisipin lang kasi, parang ang weird na crush lang, inabot ako ng college. Funny. Samantalang yung iba, ang dami na nilang nai-match sa mga buhay nila using FLAMES. Yun yung immatch mo yung name mo sa name ng crush mo, example

Helena Alcala
Juan Dela Cruz

Aalisin mo lahat ng letters na same kayo, yung letter na hindi natanggal, bibilangin mo yung total and match it with the word FLAMES. Kunwari 5 letters ang hindi naeliminate, 5th letter sa FLAMES is E= Engagement! tas kikiligin ka na, ganun lang kababaw Hahaha. Pag natapat naman sa A= Angry, malulungkot ka na kasi meaning magkakagalit kayo. Labo.

The moment I felt that I am ready and matured to enter in this romantic thing, sinubukan ko syempre, and

I'm just proud to say that I only HAD 1 serious relationship before and for my present, malakas kutob ko na siya na talaga and for keeps na.

Pano ko nasabi??



Eh mararamdaman mo naman yun eh =">


HAPPY VALENTINE'S!! <3